Fuck you, DFA Megamall!

by Sankage Steno

Na-hurt ako, sobra. Pinaasa mo lang akong hinayupak ka. You’re full of pretensions. I was very patient with you, thinking na baka kapag binigyan kita ng chance e magbabago ka. But no! Nagbago lang ‘yung anyo mo, pero ‘yung loob, ganu’n pa rin. Bulok!

Ginutom at pinagod ko lang ‘yung sarili ko. Naka-schedule kasing i-release ‘yung pina-renew kong passpost kahapon, March 12, from 2pm to 6pm. So ang ginawa ko, nag-late lunch break ako. Umalis ako sa office ng 1:30pm para lumipad sa DFA office sa SM Megamall.

Akala ko mabilis lang ‘yung proseso, parang ‘yung sa NSO birth certificate. Du’n kasi, nu’ng bumalik ako para i-release ‘yung birth cert., wala pang isang minuto e naibigay na sa ‘kin ‘yung dokumento. Matagal pa ‘yung binyahe ko. E dito sa DFA, pagdating ko sa releasing section, ang haba ng pila. Antagal ko pang naghintay.

Tapos, sa tinagal-tagal ng pagtanga ko ro’n, considering na kailangan ko agad bumalik sa office dahil isang oras lang ‘yung break ko, wala rin akong napala. Tinawag ng isang empleyado roon ‘yung name ko, at paglapit ko, sa halip na ibigay sa ‘kin ‘yung passpost, eto ang sinabi, “Gawa na ‘yung passport mo pero sa Friday mo pa makukuha, 10am.”

Potang Ines!

Nasayang lang ‘yung pamasahe at ‘yung lunch break ko. Pagod at gutom na nga, nagastusan pa. Ayun, no choice kundi ngumanga na lang at bumalik sa office habang walang laman ang tiyan at tirik na tirik ‘yung araw.

Sana pala pina-deliver ko na lang. Nanghinayang pa kasi ako sa additional P120 delivery charge. Btw, that’s on top of the processing fee: P950 on weekdays at P1200 ‘pag Sabado. Sabado ako nagpa-process dahil ayokong umabsent sa work. Tangines.

So sa Friday, malamang, mag-a-undertime ako para makapunta sa air-conditioned office nila sa Megamall. Ewan, bahala na. Kapag naman pagbalik ko do’n at wala pa rin, taraglis, magkakamatayan na talaga. May tatakpan ng dyaryo sa Sabado, at hindi ako ‘yon. Hindi tao ‘yon. Kuko, ganyan. Pupukpukin ko ng maso lahat ng daliri nila.

Baka mamundok na rin ako pagkatapos nu’n, at… oo, ‘yun na. Magbabakasyon ako, bakit? Nakaka-stress kaya forever ang government offices natin.