Bureau of Inutil

by Sankage Steno

Ano nang nangyayari sa Pilipinas? Ngayun-ngayon pa lang humuhupa ‘yung altapresyon ko sa DFA incident tapos meron na namang kagaguhan akong nabalitaan involving another government agency. Lecheng bansa ‘to. Everything seems so dysfunctional.

Ang tinutukoy ko e ‘yung Bureau of Immigration na pinairal na naman ang pagkainutil sa bagong policy na pinatupad ngayon. Nire-require na kasi nila ‘yung mga turistang Pinoy na lalabas ng bansa na magpakita ng proof of financial capability na mag-travel, proof of work at proof ng financial support mula sa kanyang benefactor.

Bullshit.

Heto ‘yung balita sa Manila Bulletin.

Ang dahilan nila, ginawa nila ‘yon para mapigilan ‘yung pagdami ng mga undocumented OFWs sa ibang bansa at para raw mabawasan ‘yung mga kaso ng human trafficking. Maganda ‘yung goal o layunin, pero pambobo lang ‘yung paraan na ginamit para makamit ‘yon. Halatang hindi pinag-isipan. O kung pinag-isipan man, pilit lang dahil na-pressure sa utos ng boss to come up with a solution.

Solution nga naman ‘to. Band-aid solution.

Parang ganito ‘yan e. Ayaw nating maaksidente o madisgrasya ‘yung anak natin, kaya ang gagawin mo bilang magulang, hindi mo na lang s’ya palalabasin ng bahay. Doon na lang s’ya lagi sa loob para laging safe. Or, here’s another example, ayaw mong tumaba, kaya pagbabawalan mo ‘yung sarili mong kumain. Magpapakagutom ka na lang.

And that’s very wrong!

Hindi nga siguro madidisgrasya ang anak mo, pero di rin s’ya matututo at magiging malaya. Papayat ka nga siguro saglit, pero once na kumain ka, bigla ka ring lolobo dahil dineprive mo ‘yung sarili mo. In the case of BI’s new policy, mapipigilan nga siguro ‘yung mga undocumented OFWs, pero damay naman pati ‘yung ibang turista.

At ga’no ba kahirap pekein ‘yung mga proofs of finacial capability, work, support, etc.? For sure makakaisip ng paraan ang mga Pinoy para baliin ‘yung policy at makatakas. Tayo pa ba? Laki kaya tayo sa Martial Law at sa pananakop ng ibang bansa. Sanay tayong umisip ng paraan para mabaluktot ang batas.

So what’s the use? Bakit hindi umisip ng ibang mas ingenious na paraan? Bakit hindi nila padaliin ‘yung proseso ng pagkuha ng dokumento sa POEA at DFA para hindi na mandaya ‘yung mga pinaghihinalaan nilang “turista?” Bakit hindi na lang nila paramihin ang trabaho sa bansa para hindi na mapilitang umalis ‘yung maraming Pilipino? Bakit di na lang nila iuntog ‘yung ulo nila sa pader?

Nakakairita lang talaga. Balak ko pa namang maglibot sa buong mundo after kong pumunta ng Batanes. At balak kong gawin ‘yon on a shoestring budget. Meaning, makikitira lang ako sa ibang bansa, aasa sa mga strangers at sa mga couch surfers, mamamalimos kung kailangan, magtatrabaho nang kung anu-ano sa sandaling panahon para magkapera, para lang makapag-travel.

Andami kayang gumagawa no’n. Karamihan pa galing sa mayayamang bansa. E hinihingan ba sila ng proofs? Hindi ako sure, pero malamang hinde. Mga backpackers sila e; natural hindi sila ‘yung tipong tutuloy sa five-star hotel o kakain sa fine dining na restaurant habang nagta-travel. Hindi kaya ganu’n ang travel. Mukang tanga lang talaga ‘yung mga taga-BI.

Mga taga-Bureau of Inutil.