EK Aura

by Sankage Steno

Pabalik na ‘ko sa office kaninang lunch break nang may makasalubong akong cutee du’n sa may pedestrian lane. Kulay blonde ‘yung buhok n’ya, pero feeling ko fake lang. Anyway, bagay naman sa kanya tapos anlakas din ng dating dahil du’n sa suot n’ya. Dalang-dala n’ya ‘yung simpleng damit. Ayun, nilampasan n’ya lang ako.

Saka ko naalala ‘yung mga cutees sa Enchanted Kingdom nu’ng nagpunta ako du’n kasama ‘yung mga friend ko last Saturday. Andami nila, pramis. Nabusog talaga ako. Kung ga’no kasarap sumakay sa rides, ganu’n din sila kasarap… tingnan. Hanggang tingin lang naman ako. No touch.

E di ayun nga, mga 11am pa lang e andu’n na kami. Tapos una naming sinakyan ‘yung Dodgem (Bump Car). E sa pila may isang cutee din na blonde. Nagpakulay lang, obviously, pero nadala naman somehow. Cute naman s’ya, e ang kaso mukang ambata pa. Baka 10 years younger than me. Naniniwala akong age doesn’t matter pagdating sa love, pero naniniwala rin ako sa pedophilia.

Patay du’n.

After nu’n, punta kaming Anchor’s Away. Meron ding cute sa bandang harapan ko. Ang problema nga lang bukod sa bata pa e andu’n din ‘yung mga magulang at kapatid. Family outing ito. So walang-wala na talaga. Fail ang pag-aura. So asa na lang sa next ride.

Sakto, pagdating namin sa Jungle Log Jam, meron na naman. Kaya ko napansin ‘yung cutee na ‘to e dahil pinauna namin sila sa pila. Grupo kasi kami at ‘yung next log e for two lang ang kulang. Chinese-looking naman ire at medyo maputi. Nakatulong naman ‘yung shades n’ya, in fairview. Ang problema, taken na. Kasama n’ya ‘yung jowaers.

Then lipat kami sa Space Shuttle. Puro bata rin ang mga cutees. Well, what do we expect? EK nga e, so malamang puro kabataan ang andu’n. Matapos kaming magpaikut-ikot sa roller coaster, bago makabalik sa iba naming kasamang hindi sumakay, narinig namin ‘yung ilang cutees na ligayang-ligaya. Halatang first time nakasakay ng tren.

Cutee 1: Nakakatakot sa unahan, grabe.

Cutee 2: Mas nakakatakot du’n sa pwesto namin.

Cutee 3: Hindi, du’n sa likuran banda mas nakakatakot.

Sankage Steno: Weh? Di nga? Wala ngang sinabi du’n sa Singapore e.

Ayun, bully lang. Narinig pala ako ng isang cutee kaya napatingin s’ya sa ‘kin. Ayos. Mission accomplished. Medyo negative nga lang ang dating ko. Pero ok lang. Bad publicity is still publicity.

Actually andami pa talagang cutees. Overload talaga. Nu’ng nag-lunch kami, andami rin sa mga katabing table. Merong isang barkada o grupo ng mga hottie, meron din namang pares-pares. Andaming choices. Bawal nga lang kumuha. Kainis! Sana naging sushi na lang sila para kuha lang nang kuha. If only ganu’n lang kadali kumuha ng makakain, este… oo, makakain nga.

Yummy!