PorNo

by Sankage Steno

Kinabahan ako sa balitang lumabas kahapon na pagbabawalan na ang access sa mga porn site sa Pilipinas. Ang una talagang pumasok sa isip ko, “Pa’no na ‘yung mga editor sa dyaryong pinagtrabahuhan ko dati?”

Para malaman mo ‘yung tinutukoy ko, pumunta ka lang sa link na ‘to.

Sorry ha pero sila talaga ‘yung una kong naisip agad. Naalala ko kasi noong 2008, fresh na fresh pa lang akong nakaka-graduate, nagtrabaho ako bilang EPAL sa isang sikat na pahayagan sa Pilipinas. Isang gabi, habang naghihintay ng uwian, este, ng pahinang ilalatag, di sinasadyang napadaan ako sa bandang likuran ng desk ng isang editor.

Normal lang naman ‘yun lalo na ‘pag pupunta ako sa pantry o sa banyo. E saktong pagtapat ko sa likuran ng isa sa mga brusko kong editor, saktong nakita kong may tinitingnan s’yang nagpa-devirginize sa mga mata ko. Huling-huli ko kung pa’no s’yang nagpapalipas ng sandali (or in kalye parlance, nagpaparaos) sa panonood ng mga babaeng nakabuyangyang ang suso at puki.

Ay jusko pong mahabagin!

Dati ko pa naririnig-rinig ‘yung mga ganu’ng kwento sa mga dati kong katrabaho, na mahilig nga raw sa porn ‘yung ibang mga editor du’n, pero iba pa rin talaga kapag ikaw mismo ‘yung nakahuli sa kanila. Golden! Hindi ko alam nu’ng mga panahong ‘yon kung matatawa ba ‘ko o mahihiya o matatakot para sa kanila. Pinagsabay-sabay ko na lang silang pinaramdam sa sarili para solb.

Turns out, ayon sa NTC, ‘yung proposed ban nila e para lang daw sa mga child porn sites at hindi sa “normal” na porn site. That means, tuloy pa rin ang maliligayang araw ng mga lalaki, bakla (at, fine, pati babae, tomboy, transgender, etc.). Higit sa lahat, alam kong nakahinga nang maluwag ‘yung mga dati kong editor sa magandang balitang ‘to.

Ikaw, nakahinga ka rin ba nang maluwag? Ako? Hi hi hi.

Naiintindihan ko naman sila, my former editors. Instinct naman kasi talaga ‘yung craving ng tao for sex, at di rin maiiwasan kung malibugan sila sa oras ng trabaho. Sabi nga sa kanta, sila’y “tao lang na nadadarang at natutukso rin.”