Bakla ka naman e

by Sankage Steno

Pansin ko lang sa mga straight na lalake (minsan pati sa other genders na rin), kapag sinasabihan nila ng “Bakla!” ‘yung kapwa nila lalake, mas madalas na ang gusto talaga nilang sabihin e “Oo na, pogi ka na, pero di ko pwedeng sabihin ‘yon dahil baka isipin ng ibang tao na bakla ako.”

More examples: Kapag may napanood na poging artista, sasabihin o pagtsitsismisan na bakla. Kapag may model na maganda ang katawan, automatically ile-label na bakla. Kapag nakita si Piolo Pascual, sasabihin bakla s’ya… err… I think the last analogy is wrong. Erase mo na lang. Anyway, I hope you get the drift. So, bakit gano’n?

Let me explain using a communication theory developed by Edward Hall.

Maraming ibig sabihin ang pagbibitaw ng kutyang “Bakla ka naman” o “Ay, bakla” lalo na kung manggagaling ito sa isang straight na tao. Pwedeng ang ibig sabihin nito e mahinhin kang kumilos o mahina/weak ka o duwag ka, which are traits associated sa bakla at maging sa mga babae, the “weaker” sex. Of course, hindi ko naman tinatangging minsan e ‘yun talaga ang gusto nilang ipakahulugan—na bakla nga ‘yung sinasabihan nila.

Ang tanong naman ngayon, bakit andaming kahulugan?

Dito na pumapasok ‘yung context na tinatawag. Tayo kasing mga Pinoy, in general, e kabilang sa high-context culture societies. Ibig sabihin, pinapahalagahan natin masyado ‘yung imahe natin o ‘yung relasyon natin sa ibang tao, so importante kung ano ‘yung iisipin ng iba sa atin, at nakakaapekto ito sa kung pa’no tayo makipag-usap sa iba.

In addition, kapag sinabi natin, halimbawa, na “Kumain ka na ba?” o “Tara, kain tayo,” hindi ibig sabihin nu’n e gusto talaga nating pakainin ‘yung isang tao o bisita. It’s just used to save face or as a form of false hospitality. Ayaw kasi nating isipin ng iba na wala tayong concern o madamot tayo. It’s the same reason kung bakit minsan, oo lang tayo nang oo kahit ayaw naman talaga natin sa isang bagay. To save face.

Taliwas sa sinasabi natin ang totoong nararamdaman o gusto nating ipakahulugan sa iba.

Whereas sa mga low-context culture societies, it’s WYSIWYG. What you see is what you get. To be precise, what you say is what you mean. Kapag sinabi, halimbawa, ng isang Amerikanong “No, I’m full.” No talaga ‘yun. At kapag tinanong mo s’yang “Are you sure?” Sasabihin n’yang “Yes, I’m sure.”

E tayo, kapag inalok tayo ng pagkain, una tatanggi pa tayo kahit gutom na gutom na. Tapos kailangan pang tanungin ulit o pilitin para talaga pumayag tayong kumain. Kasi, sa ganitong sitwasyon, ayaw naman nating lumabas na patay-gutom tayo o inaabuso natin ‘yung kabaitan ng taong nag-aalok.

And this theory, naniniwala ako, applies to the “Bakla ka naman e” na pang-aasar, lalo na ng mga straight na kalalakihan sa kapwa nila lalake (be they straight or gay talaga). Malaki ang tsansa, most especially sa mga magbabarkada, na kapag nagkaasaran at nagsabihan ng “Bakla” e hindi talaga nila mini-mean ‘yon.

Like I said a while ago, maaaring ang gusto talaga nilang sabihin e “Tumigil ka, nakakahiya ‘yang ginagawa mo” o “‘Wag ka ngang maarte” o “Duwag ka pala e” o “Para kang babae kung umasta.” Pero ang pinakapaborito ko talaga at pinaniniwalaan kong dahilan kung bakit sinasabi ‘yon ng isang lalake e dahil nga naa-appreciate niya ‘yung kagandahang lalake ng iba, pero restricted siya by the same culture na huwag sabihin ‘yon nang harapan dahil, dyahe, baka isipin ng ibang bakla s’ya kahit hindi naman.

It’s a defense mechanism of sorts.