1, 5, 10, 11, 14, 31

by Sankage Steno

Napanaginipan ko kagabi ‘yung mga numerong ‘yan na tumama sa Lotto. Akala ko nga totoo na e, kaso nagising ako bigla at nalaman kong hindi pala ako mas mayaman by a few millions. Mayaman lang, period. ‘Wag ka nang umangal. Wala akong utang at wala akong pending bills. Mayaman na ‘yun for me. E ikaw ba?

Wala akong maalalang pagkakataon na nagkatotoo ‘yung panaginip ko. Kung meron man, close na ‘yung deja vu. So hindi ko sinasabing tatama nga ‘yang mga numero sa taas. Pero try mo, wala namang masama. Ano lang ba mawawala sa ‘yo? P20? Saka, malay mo, first time na magkatotoo ‘yung panaginip ko. E di natulungan pa kita.

Basta balatuhan mo na lang ako kapag nanalo ka. Marami kasi akong gustong tulungan pero di ko magawa kasi sapat lang ‘yung kinikita ko for me at para makapagbigay nang konti sa bahay. So malaking tulong kung mananalo ka sa Lotto at babalatuhan mo ‘ko, di ba? ‘Wag ka namang maramot.

Yes, inassume ko na talagang tatama s’ya.

Ang weird lang kasi wala naman talaga akong balak tumaya sa Lotto; ni hindi ko nga naiisip ‘yung bagay na ‘yun lately, tapos bigla ko na lang napanaginipan. Buti nga naalala ko pa ‘yung numbers. Actually, medyo malabo ‘yung iba d’yan, so baka namali ako ng pagkakaalala sa isa o dalawa. Pero kung tatama ka ng 4 or 5 numbers, hindi na rin masama.

Ayan, assumero talaga ako.

At since napapag-usapan na rin lang ang pagkapanalo sa Lotto, narito ‘yung ilan kong gagawin sa perang mapapanalunan ko, if ever:

  • Magbabayad ng utang ng ibang tao
  • Magpapatayo ng bahay sa tuktok ng bundok at malapit sa dagat
  • Maglalakbay sa buong mundo
  • Magtatapon ng pera sa mga kaibigan at kamag-anak
  • Magha-hire ng killer na papatay sa ‘kin in the future

‘Yan pa lang naiisip ko e. Gusto ko ring kumain sa mamahaling restaurant, pero I think di ko naman kailangang manalo sa Lotto para magawa ‘yun. Saka na lang ako iisip ng iba pang gagawin sa pera ‘pag talagang nanalo na ‘ko. Basta sure akong hindi ako magbibigay sa simbahan o sa mga bogus foundations at NGOs. Mahirap na.

Now it’s your turn. Gusto kong malaman kung ano gagawin mo sa milyones mo kung sakaling manalo ka sa Lotto. Hit the comments!