Playlist ng Buhay Ko

by Sankage Steno

Kakatapos ko lang maglaba ng mga brief at medyas ko. Ayoko kasing inuuwi pa sila sa ‘min sa probinsya dahil, una, nawawala kapag nasama sa ibang labada at, pangalawa, nakakahiya sa ipot ko. Ay puta. Ba’t ko sinabi ‘yon? Uy, baka maniwala ka. Di totoo ‘yon.

Ayoko talagang naglalaba pero kailangan e, so ang ginagawa ko, para malibang ako kahit papa’no e nagpapatugtog ako. Bale ‘yun na rin ang time ng aking voice lesson. Talagang todo-birit at todo-bigay ako sa pagkanta habang naglalaba. Sobrang saya kaya. Try mo.

Basta kantahan, game ako d’yan. Kahit pumipiyok na ‘ko o paos na, hindi mo ‘ko basta-basta maaawat sa pagkanta, lalo na sa videoke, pero di naman ako sugapa. Kahit sa mga pyesta, ay naku, for sure kahit hindi ko kilala ‘yung mga bisita at dayo lang ako, hindi ako nahihiyang kumanta. Sobrang saya ko talaga kapag kumakanta, at natutuwa akong naa-appreciate ‘yun ng ibang tao.

Minsan kasi, naimbitahan ako ng kaibigan ko sa kanila. Kumanta ako ng Pagsubok ng Orient Pearl. E sobrang gamay ko ‘yon, so birit pagdating sa “‘Wag mong itigil ang labaaannn! Wooh-la-la-la-la-la yeah.” Palakpakan bigla ‘yung mga nag-iinuman. E hindi ko naman sila kilala. Syempre tuwa ako, laki ng ulo ko bigla. Ta’s mas nakakatuwa pa, after nu’n, nagre-request na sila ng kanta. Ako naman, feeling Concert King, game sa mga request nila. E  wala, minsan lang ‘yun e.

One time pa, sa Pampanga naman, sa ibang kaibigan ko naman, inuman tapos kantahan. Birthday yata ‘yung okasyon. E medyo may tama na ‘ko, so kahit ano na talaga ‘yung kinakanta ko. ‘Yung isa kong kasama, kumanta ng Salamat ni Yeng, e hindi kinaya, so iniwan ‘yung mic at napasa sa ‘kin. E di kanta naman ako, syempre. Birit talaga ako hanggang du’n sa “Akooo’y lalabaaannn…”

Laban na naman?

E na-hit ko ‘yung note. Perfect talaga. Hindi nagpalakpakan ‘yung mga nasa paligid kong nag-iinuman na di ko kakilala, pero bigla-bigla, tinagayan ako ng San Miguel Pale Pilsen. Jusko. E light lang tinitira ko. Nakakahiya namang tumanggi. Alam ko kasing it’s a symbol of their appreciation sa ginawa ko, so ininum ko na rin. Solb!

Naha-high talaga ako kapag kumakanta. So just imagine kung sakaling tumira pa ‘ko ng mary jane o coke. Tangina. Baka ikamatay ko na sa saya ‘yon. Pero, seriously, ang high talaga. ‘Yung natural ba.

Kaya ngayon, medyo high pa rin ako dahil kaka-concert ko lang sa banyo. Kakatapos ko lang maglaba, remember? Pero di pa rin tapos ‘yung playlist ko sa phone. Tumutugtog pa rin s’ya. Andami ko na rin palang naidagdag na kanta ro’n. Piling-pili ‘yung mga ‘yon kasi gusto ko maganda both ‘yung melody at lyrics.

‘Yung mga kanta kasi sa playlist ko e, somehow, sumasalamin sa buhay ko. ‘Yung mga lyrics nu’n e naglalarawan sa saya, galit, lungkot, hinayang, kabaliwan, kabagutan, pagkaatat, ligaya, pag-asa at pag-ibig ko sa buhay. At ishe-share ko ‘yung mga kantang ‘yun ngayon dito para di ko malimutan in case manakaw ulit ‘yung phone ko.

English Songs

  • Gemini – Spongecola (I can breathe in what you breathe out.)
  • Shy Guy – Diana King (But I don’t want somebody who’s loving everybody.)
  • Hanging by a Moment – Lifehouse (I’m desperate for changing, starving for truth.)
  • Moment of Truth – FM Static (And I miss you more whenever I think about you.)
  • Bless the Broken Road – Rascal Flatts (Every long, lost dream led me to where you are.)
  • Skinny Love – Birdy (Come on, skinny love, just last a year.)
  • A Thousand Years – Christina Perri (How can I love when I’m afraid to fall?)
  • Tonight – FM Static (I need your loving hands to come and pick me up.)
  • What About Love – Lemar (No one would care if we never made it.)
  • Girl on TV – LFO (Do I ever cross your mind in the warm sunshine?)
  • Clarity – Zedd ft. Foxes (If our love is tragedy, why are you my remedy?)
  • When Can I See You Again – Owl City (Go see the world ’cause it’s all so brand new.)
  • Give Me Love – Ed Sheeran (All I want is the taste that your lips allow.)
  • Lego House – Ed Sheeran (If things go wrong we can knock it down.)
  • The A Team – Ed Sheeran (‘Cause we’re all under the upper hand)
  • I Choose You – Mario (Whenever you feel like dancing, you don’t have to dance alone.)
  • Pretty Hurts – Beyonce (It’s the soul the needs a surgery.)
  • Right Next to Me – Whistle (I’ll be there one day and you will be right next to me.)
  • Chasing Pavements – Adele (Should I give up or should I just keep chasing pavements even if it leads nowhere?)
  • Right as Rain – Adele (It’s better when something is wrong.)
  • Lucky in Love – Paolo Onesa (People will talk because they love you. They wish they had you the way I do.)
  • The Last Time – Richard Poon (Because each question is answered when you’re near)
  • Happy – Squareheads (Can’t you see I’m happy now?)
  • Tease Me – Chaka Demus & Pliers (Tease me with your love until I lose control.)
  • Feeling Good – Nina Simone (It’s a new dawn, it’s a new day, it’s a new life for me, and I’m feeling good.)
  • All of Me – John Legend (Love your curves and all your edges, all your perfect imperfections)
  • Ordinary People – John Legend (‘Cause we’re ordinary people, maybe we should take it slow.)
  • Story of My Life – One Direction (I leave my heart open but it stays right here empty for days.)
  • Defying Gravity – Idina Menzel (And if I’m flying solo, at least I’m flying free.)
  • Both Sides Now – Joni Mitchell (I’ve looked at life from both sides now, from win and lose…)
  • This is War – Thirty Seconds to Mars (We will fight to the death.)
  • Kings and Queens – Thirty Seconds to Mars (We are the victims of ourselves. Maybe the children of a lesser god.)
  • Stigmatized – The Calling (Even God himself and the faith I knew shouldn’t hold me back, shouldn’t keep me from you.)
  • Let It Go – Idina Menzel (I don’t care what they’re going to say.)

Tagalog na mga Kanta

  • Gayuma – Abra ft. Thyro & Jeriko Aguilar (Na kung di dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana)
  • Dati – Sam Concepcion, Tippy Dos Santos at Quest (Ngunit ngayo’y malayo ka’t malabong mangyari.)
  • Ikot-Ikot – Sarah Geronimo (Heto na naman tayo. Parang kelan lang nang huli.)
  • Ingat Ka – Silent Sanctuary (Minsan lang nagsama at bukas aalis ka na. Sayang sana ay nagtagal ka pa.)
  • Luna – Up Dharma Down (Ano na naman itong gumugulo sa buhay ko?)
  • Kundiman – Silent Sanctuary (At kung di man tayo hanggang dulo, ‘wag mong kalimutan, nandito lang ako.)
  • Oo – Up Dharma Down (Malas mo. Ikaw ang natipuhan ko.)
  • Nasa ‘Yo na ang Lahat – Daniel Padilla (Di akalaing sabihin mong ako na ‘yon, ang hinahanap mo.)
  • Pag-agos – Up Dharma Down (Di alam kung tatakbo o kusang lalayo sa ‘yo)
  • Indak – Up Dharma Down (Ang paghinga’y nabibitin.)
  • Tadhana – Up Dharma Down (Ba’t di pa patulan ang pagsuyong nagkulang?)
  • Buko – Jireh Lim (Kung inaakala mo ang pag-ibig ko’y magbabago…)
  • Panaginip – Crazy as Pinoy (Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa ‘pagkat nadarama’y ligaya.)
  • Tayo – Sarah Geronimo (‘Wag magpapatalo. Tayo!)
  • Diwata – Abra ft. Chito Miranda (Kapag nariyan ka bumabagal ang ikot ng mundo.)
  • Summer Song – Silent Sanctuary (Minahal na kita simula pa nu’ng una, unang makita ang iyong mga mata.)
  • Kanlungan – Noel Cabangon (Pana-panahon ang pagkakataon.)