Kapag Agosto na ang pasukan sa UP Diliman…

by Sankage Steno

  • Malaki ang chance na ang university graduation rites/ceremonies e sa loob na ng UP Theater gagawin at hindi du’n sa labas sa may ampitheater.
  • ‘Yung mga sunflower na tinatanim ‘pag summer e simbolo na lang ng… ano… ng… photosynthesis, ayun, at hindi ng nalalapit na bakasyon o pagtatapos ng mga estudyante.
  • Wala nang Octoberian. Decemberian na sila.
  • December = Poinsettia. Poinsettia is the new sunflower.
  • Ang magse-celebrate o aalala na lang ng Independence Day (June 12), Foundation Day ng UP (June 18) at kapanganakan ni Rizal (June 19) e ‘yung mga gwardya at maintenance staff sa unibersidad.
  • Hindi mo na pwedeng sabihing magsa-summer class ka kapag binagsak mo ‘yung Math 17 o Chem 16. Ano na lang, ah… ano… sabihin mo maghahabagat ka, ganyan. Habagat class.
  • Holy Week ang magiging paboritong bakasyon ng mga Isko at Iska maliban sa Christmas break.
  • Wala nang summer vacation. Hindi na summer ‘yun e, tag-ulan na, so ano na s’ya, um, basang bakasyon.
  • ‘Yung dalawang buwan na walang pasok e madalas nasa bahay ka lang, not because wala kang pera, di lang ‘yon, pero dahil a) baha sa labas, b) may habagat, c) Ondoy, Pepeng, Yolanda part II, d) all of the above.
  • Dadami ang make-up classes sa kalagitnaan ng term (September-November) dahil datingan din ‘to ng malalakas na bagyo sa bansa.
  • Magiging air-conditioned na lahat ng classroom (read: summer) ergo lalaki lalo utang ng UP sa Meralco ergo(2) tataas na naman ang tuition fee.
  • Ergo(3) puro mayayaman na lang at middle class ang makakapag-aral sa UP, ‘yung tipong, “Oh my G! It’s so init naman here inside the Ikot jeepney. Manong, make para na po!”
  • Mawawalan na ng kasapi ang CPP-NPA-NDF dahil wala nang mahihirap ang tatalino at maiimpluwensyahan ni Karl Marx o Mao Tse-tung at mamumundok. Sige nga, imaginin mo ‘yung mga conyong komunista… “Let’s make baka! Don’t be takot!”
  • Magiging mapayapa at maunlad na sa wakas ang Pilipinas.