Ang Showbiz Kong Mukha

by Sankage Steno

Maraming pagkakataon nang kapag nag-iinterview ako para sa istoryang ginagawa o kapag may ka-meeting na taong may katungkulan e nagzo-zone out ako o lumulutang in the middle of the conversation, lalo na kapag ‘yung kausap ko e ayaw sagutin nang diretso ‘yung tanong ko o, quite the opposite, isa lang ‘yung tinanong ko e naikwento na bigla ‘yung talambuhay n’ya.

Sa ganitong mga pagkakataon, kusang umiiral ‘yung showbiz kong mukha. ‘Yun bang parang poker face. Iba ‘yung ipinapahiwatig ng mukha ko sa sinasabi ng utak at tunay kong nararamdaman. Syempre, kailangan kong igalang ‘yung kausap ko, so hindi ko pwedeng sabihin ‘yung mga talagang umiikot sa isipan ko. Baka masapak ako bigla o kaya e mawalan trabaho.

Ishe-share ko ngayon dito ‘yung mga gusto ko talagang sabihin sa kausap ko pero di ko magawa dahil mabait ako. Or dahil ayoko lang magmukhang hindi mabait kahit hindi naman talaga ako mabait paminsan-minsan.

Kapag nabo-bore na ‘ko sa kausap o iniinterview:

  • Weh?
  • Muka mo.
  • Ba’t di mo na lang tirisin ‘yang tagyawat mo?
  • Shut up! Shut up na!
  • La la la la la.

Kapag paliguy-ligoy ‘yung kausap o iniinterview:

  • Utot mo.
  • Sasapakin ko na ‘to. Pigilan mo ‘ko.
  • Sinong niloloko mo?
  • Tangina mo.
  • Ba’t antanga mo?

Kapag walang sense ‘yung sinasabi ng kausap o iniinterview:

  • Pakyu ka. Pakyu!
  • Die! Die! Die!
  • Bumababa ‘yung IQ ko, shet.
  • Hindi ka pa ba tapos?
  • Sana lamunin na lang ako ng lupa.

Kapag puro kayabangan ‘yung sinasabi ng kausap o iniinterview:

  • Eto utot ko, amuyin mo.
  • Sungalngalin kita d’yan e.
  • Ikaw na!
  • Wala ka sa lolo ko.
  • Yo mama is so fat…

Kapag walang masabi ‘yung kausap o iniinterview:

  • Earth to [name]. Earth to [name]. Hello?
  • Aynako. Pabobohan?
  • Ako na lang sasagot, gusto mo?
  • You’re wasting my time. Bye!
  • Silent film ba ‘to?

Kapag ayoko lang talaga sa kausap o iniinterview:

  • E ba’t di ka na lang mag-suicide kaya?
  • Lord, alam kong di mo ‘ko bibigyan ng di ko makakayang lampasan.
  • Lord, kunin mo na lang s’ya. Joke!
  • Punta kang MMDA. Dami mo kasing lubak sa muka e.
  • Eto piso, bili ka ng kausap mo.

https://i2.wp.com/portermason.com/bassistwanted/files/2009/09/Malady_RyanScott-960x306.png