Type mo lang ako e

by Sankage Steno

Meron akong isang “friend” sa Facebook na lagi akong “pinaparinggan” sa mga post n’ya. Hindi ko s’ya ka-close. Nakilala ko lang s’ya sa isang event nila, pero hindi s’ya ‘yung sinadya ko roon kundi ibang tao… o bagay. E dahil friendly naman ako, ayun, nakilala ko nga s’ya pati ‘yung ibang taong center ng event.

E ngayon, pansin ko lang, tuwing may ipo-post ako sa timeline ko sa Facebook, like ‘yung nagustuhan kong article o ‘yung mga tula ko o ‘yung blog ko o ‘yung mga resulta ng online test ko sa Zimbio at BuzzFeed, makikita ko na lang after a few minutes or hours na meron s’yang status sa timeline n’ya na sobrang sarcastic.

At inassume ko na talagang ako ‘yung pinapatamaan kasi more than twice o thrice na s’yang nangyayari e, at sobrang perfect nu’ng timing para mapansin ko at magawan ng ganitong conclusion.

Iniisip ko tuloy, ano ba ‘yung nagawa ko sa taong ‘to at ganu’n na lang ‘yung “galit” sa ‘kin? Like I said, hindi naman nga kami close; ni hindi nga kami nagkikita sa personal e. Ang tanging connection lang namin ngayon e Facebook. Pero anlakas talaga ng kutob ko na ako ‘yung target ng mga patama n’ya sa kanyang mga post.

Assumero talaga ako, and that’s that. Instinct ko na ‘yon e, so pasensya kung sa tingin mo e pinalalaki ko ‘yung maliit na bagay. Pet peeve ko rin kasi ‘yung mga maliliit na bagay. Mas nakakainis ‘yun kesa sa mga major problem sa buhay na pwede mong dedmahin lang at hayaang solusyonan ang sarili.

Ngayon, iniisip ko, hindi kaya may lihim na pagtingin sa ‘kin ‘tong taong ‘to at lagi n’yang “napapansin” ‘yung bawat activity ko sa Facebook? Ganu’n ba ‘ko kadalas lumabas sa news feed n’ya? Ako lang ba “friend” n’ya online? Hindi naman. Pero, connecting the dots and following the law of “The more you hate, the more you love,” feeling ko e type n’ya nga ako.

Crushable naman talaga ako. At maangas. At feelingero.

Well, if that’s the case, kung tama ‘yung hinala ko, sana diretsahin n’ya na lang ako nang magkaalaman na. Hindi ‘yung dadaanin pa n’ya sa mga patutsadang witty/sarcastic nga, vague naman. Madali naman akong kausap e. Kung away ang gusto n’ya, e di away ang ibibigay ko. Sic ’em! Pero kung ibang bagay… ay! “Don’t tell a lie. ‘Wag mag-deny. Aminin.”

Alam na.

https://i1.wp.com/www.dreamhost.com/dreamscape/files/2013/02/crush.jpg