The Pope’s Sins

by Sankage Steno

Bilib na talaga ako sa kababaang-loob ni Pope Francis. Akalain mong nangumpisal s’ya sa isang pari, e s’ya nga ‘tong santo papa! Sabi pa n’ya, “Who can say he is not a sinner? Nobody. We all are.” Like na like ko talaga ‘yung pamumuno n’ya by example, parang si Jesus Christ talaga. Di tulad ng ilang kilala kong pari at obispo rito sa Pilipinas.

But don’t get me wrong, ha. This doesn’t mean na magbabalik-loob na ‘ko sa Diyos. Or to be precise, di ibig sabihin nito e bati na ulit kami ng Catholic Church. No, no, no, no. Ibang usapan na ‘yon. Ang sinasabi ko lang dito ngayon e natutuwa talaga ako kay Pope Francis. Kahit di ko s’ya kilala personally e tingin ko isa s’ya talagang mabuting tao at lider.

Narito ‘yung balita kung di mo pa alam.

Na-curious lang ako sa kung ano ‘yung kinumpisal ni Pope Francis. Ang swerte-swerte naman nu’ng paring nakarinig ng kasalanan ng isang santo papa. Para ka na ring nakaalam ng mga kasalanan ni Jesus. Ang galing lang. Siguro hindi nakatulog ‘yung paring ‘yon dahil sa sobrang privileged n’ya. Astig.

Mabalik ako sa kasalanan ni pope. Syempre, dahil confidential ang confessions (parang doctor-patient, lawyer-client o journalist-source lang ‘yan, secret dapat), wala akong choice kundi mag-imagine sa mga kasalanan ni Francis. Sure naman akong di s’ya evil pope, tulad ng ibang namuno noon, so nakakapagtaka na nangumpisal pa s’ya.

Isa sa mga naiisip kong kasalanan n’ya e sa thought. Baka sa isip n’ya e naubusan s’ya ng pasensya at lihim na nagalit sa curia o sa mga taong nakapalibot sa kanya. Maaari rin namang naisip n’ya na ang hirap-hirap pakisamahan ng mga katrabaho n’yang nasanay sa luho at karangyaan ng Vatican. He can only curse deep inside. Baka ‘yun ang isa sa mga kinumpisal n’ya.

Next na posibleng kasalanan ni pope e ‘yung hindi paggawa ng mabuti. Baka dahil sa sobrang busy n’ya, merong isa o dalawang pagkakataon na hindi n’ya nagawan ng mabuti ‘yung kapwa n’ya kahit may opportunity naman to do good. It’s a sin of omission. Alam mong tama pero di mo ginawa. I know it’s understandable, pero kasalanan pa rin nga ‘yon. No excuses.

Third, naiisip ko ring kasalanan ni pope e ‘yung pagsisinungaling. Baka at one point, meron s’yang ginawang di n’ya gusto pero sinabi n’ya, ok, fine, pagbigyan na nga, para lang hindi mapahiya ‘yung tao o para hindi sumama ‘yung imahe n’ya sa media. Hindi naman kinakailangang verbal ‘to, ‘no. Pwedeng through his deeds e hindi s’ya nagpakatotoo.

Finally, desire. Baka may mga repressed wishes si pope na pinagbibigyan n’ya nang palihim. For example, bawal sa kanya ang matatamis, pero kumain pa rin s’ya. O kaya naman e nalibugan s’ya bigla sa nakitang babae, at in a split second, pinagpantasyahan n’ya ito bago biglang dinistract ang sarili para hindi matukso. Andaming pwedeng gawin ng utak nang palihim kaya.

Or, baka naman ikinumpisal n’ya ‘yung kanyang kahinaan. That he can’t be too good to save the world of its sins?