Kayong mga Maliligtas

by Sankage Steno

Sana kunin na kayo ni Lord.

Tutal naman at ‘yan lagi ang pinangangaral n’yo—ang salvation, ang kaligtasan ng kaluluwa, ang buhay na walang hanggan—sige, mauna na kayo. Sabik na sabik kasi kayong makamit ang kabilang buhay e. Du’n na lang kayo. At ‘wag na ‘wag n’yo ‘kong aabalahin sa buhay ko sa mundong ‘to. Mga leche kayo!

E halos gabi-gabi yata ngayong week na ‘to, sa tuwing sasakay ako ng bus o MRT, e merong isang bigla na lang manggugulat at mangangaral ng salita ng Diyos. Pukinena! Mga hindot kayo! Mas masahol pa kayo sa mga taong kung makipag-usap sa cellphone sa public transport e parang nasa kabilang bundok ‘yung kausap. Nakakairita kayo to the highest levels!

Una, sa MRT nu’ng Lunes, isang lalaki ang nangaral at nagsabing hindi raw s’ya manghihingi ng abuloy. Utot mo! Tapos kahapon at kanina, sa bus, biglang may babaeng naka-mic pa ang nagsalita at nangaral din. Ang ending, namigay ng sobre para sa donasyon. Nakuha pang mag-promote ng palabas nila sa IBC-13. Tinamaan ng lintek. Sarap sipain nang padakot.

Alam n’yo, mga false prophets and evangelists, hindi lahat ng tao e relihiyoso. At lalong hindi lahat ng tao ay Kristiyanong katulad ninyo. Merong mga taong iba ang paniniwala. At meron din namang mga taong hindi naniniwala sa Diyos o sa mga kababawan ninyo. At isa ako roon.

Ambabastos n’yo.

Nananahimik akong bumabyahe, nagpapahinga, tapos bigla kayong eepal. Alam n’yo, wala akong pakialam sa Diyos o sa pananampalataya n’yo. Wala akong pakialam sa kabilang buhay. At lalong wala akong pakialam kung sa impyerno man ako mapunta ‘pag namatay ako.

Dahil!

Unang-una, hindi ako naniniwala sa langit at impyerno. Hindi n’yo ‘ko katulad na gumagawa lang ng tama at mabuti dahil gustong mapunta sa langit balang araw. Hindi ako gumagawa ng tama at mabuti dahil maganda s’ya sa pakiramdam o dahil sabi ‘yun sa Bibliya o dahil maganda s’ya sa paningin ng iba. Ambabaw n’yong mga ipokrito kayo.

Pangalawa, hindi ako naniniwala sa kabilang buhay. Kapag namatay ako, tapos na. Patay na talaga ako. Wala nang other life o kung ano pa mang comforting thoughts na ibinebenta sa inyo ng mga pastor o pari n’yo. At okay lang sa ‘kin kung matapos na ang lahat pagkamatay ko. Hindi kagaya n’yo, ako e nabubuhay nang totoo sa sarili at naaayon sa mga prinsipyo at paniniwala ko sa buhay.

Pangatlo, hindi ako naniniwala sa Diyos n’yong makitid ang utak, walang sense of humor, misogynist, patriarchal at silent observer. Walang Diyos. At kung may Diyos man, hindi s’ya ‘yung tipong magpaparusa sa masama o magpapala sa mabuti ‘pag namatay. Tao lang ang makakaisip ng ganu’ng sistema. Sa tingin n’yo ganu’n lang din mag-isip ang Diyos? Wow. Masyado n’yo naman yatang inilalagay sa level n’yo ‘yung sinasamba n’yo.

Tae kayo.

At pwede ba, tigilan n’yo ‘ko d’yan sa kaisa-isang verse na paborito n’yong lahat: ‘yung John 3:16 (For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.).

What kind of a father would sacrifice his own son for the benefit of total strangers? Sa Tagalog, anong klaseng ama ‘yang ipagsasangkalan ang anak para sa kapakanan ng mga taong di naman n’ya kaanu-ano? That is not love. That is madness! Kabaliwan ‘yan, mga hunghang kayo. Stop romanticizing everything. Use your reasoning power. Kung may isang biyaya ang Diyos na sobrang underdeveloped sa inyo, ‘yun ay reason.

At kung ako man ang magkakaanak katulad ng Diyos na pinaniniwalaan n’yo, hindi ko s’ya isasakripisyo. Mamatay na kayong lahat, ‘wag lang ‘yung anak ko. Or! Mamatay na ako, ‘wag lang ‘yung kaisa-isa kong anak. ‘Yun, sigurado akong love ‘yon. Ewan ko sa Diyos n’yong ganu’n-ganu’n na lang kung ipamigay ang anak.

Bakit di na lang sarili n’ya ‘yung inalay n’ya?

Bobo lang. Parang kayo.