‘Yung usong gupit ba

by Sankage Steno

Problema ko lagi kapag magpapagupit ‘yung itatawag sa haircut na gagawin ng barbero. ‘Pag tinanong na ‘ko ng “Anong gupit?” ang lagi lang pumapasok sa isip ko e barber’s cut, which is 2 x 3 yata ang yari. E ayoko naman ng military cut dahil feeling ko ang sagwa, so ang ending, kadalasan, ‘yung alam ng barbero o ‘yung paborito n’ya.

E me nauuso ngayong gupit, ‘yung kumalat sa Facebook, na paborito ng mga bakla/metrosexual, pati na rin ng ilang sikat na celebrity na lalake. Hindi ko alam ‘yung tawag du’n e, parang mohawk hairstyle. Ang kaibahan lang, pati ‘yung likod na part e ahit. Sa mohawk kasi, ‘yung dalawang gilid lang, so muka kang manok na tinubuan ng tao.

‘Yung sinasabi kong uso e may malagong buhok sa taas pero shaved ‘yung likod at gilid. Hindi s’ya milirary cut kasi ‘yun naman e parang semi-kalbo na. I-scroll down mo na lang para malaman ‘yung tinutukoy kong gupit. Or kung tinatamad kang mag-scroll, click mo na lang ‘to: Usong haircut.

Hindi ko pa rin alam ang tawag d’yan, so mamaya, kapag nagpagupit ako, sasabihin kong ‘yung uso po ngayon na madalas gupit ng mga bakla, metrosexual at celebrity na lalake. Sana ma-gets nu’ng maggugupit sa ‘ken. Kung bakla s’ya, most likely mage-gets n’ya ‘yung tinutukoy ko. Kung di naman, imumwestra ko na lang para malaman n’ya.

Parang, “Kuya, ‘yung shave ‘yung gilid saka ‘yung likod, tapos pwedeng itayo o i-brush up ‘yung tuktok. Basta ‘yung uso ngayon.”

Sana ma-gets ni kuya o ate o ateng. Kinakabahan lang ako kasi feeling ko hindi na naman s’ya bagay sa ‘kin. Baka magmuka akong kulang-kulang na shaolin o, worse, si Psy. Ay wait, may mas worse pa pala (mas worse?), baka maging kamuka ko na si Kim Jong-un ng North Korea. Jusko po. ‘Wag naman sanang ipahintulot ng hair god na mangyari sa ‘kin ‘to.

Bahala na si Batman. ‘Pag maganda ‘yung kinalabasan, sasabihan ko kayo. Baka mag-selfie ako bigla at i-post sa Facebook. Sorry na lang kung hindi kita friend du’n. Wish me luck. Hindi ako masyadong umaasa sa skill ng barbero e, lalo na kung P40 lang ‘yung gupit. Sensya, nagtitipid.