Minekaniko

by Sankage Steno

Kung kelan tag-init saka nasira ‘yung electric fan ko sa apartment. Pumutok ba naman ‘yung kurdon. Muntik pa ‘kong makuryente. Tang-ines talaga. So I guess this is my second/third life. Problema pa, sarado na ‘yung mall, so no chance na ring makabili ng bago. Ang ginawa ko, syempre, pinagana ko ‘yung utak ko… at kamay. Kinumpuni ko s’ya.

Sorry ha, kailangan ko lang i-share. Masaya lang talaga ako’t may nagawa akong di ko napag-aralan sa school, pero success! Yey! Wiring lang naman kasi ‘yung sira kaya madali lang ayusin. Pinutol ko lang yung plastic coating saka ‘yung sunog na part, tapos humiwa ako ng bagong wires du’n sa natitirang part ng cord, saka ko pinagdugtong ‘yung an electrical tape.

At ‘yung pinaka-exciting na part, nu’ng sinaksak ko na at sinubukang paandarin. Umandar! Grabe, lakas ng sigaw ko, pero di naman kasinlakas nu’ng pagkapanalo ko sa Singing Bee o nu’ng naka-graduate ako. ‘Yung tamang sigaw lang ng nanalo sa jueteng. Sakto lang talaga.

Habang tinitingnan ko s’yang umaandar ngayon, enjoy na enjoy lang ako sa feeling. Napagana ko s’ya! Napahaba ko ang buhay ng aking electric fan! I’m so amazing! Natupad na ang isa kong pangarap, ang maging mekaniko. Baka ito na rin ‘yung katuparan ng pangarap kong magkaroon ng trabahong manual labor at hindi ‘yung ginagamitan ng utak.

Ginagamitan din naman ng utak ang pagmemekaniko, pero not so much.

Kaya kung may sira kayong mga gamit sa bahay, tumatanggap na po ako ngayon ng paayos. P100 lang ang minimum ko at papataas ang presyo dependa sa tindi ng sira. Libre na ‘yung delivery basta within MRT stations lang. Kaya ko pong ayusin lahat, mapa-TV, ref, aircon, washing machine, oven toaster, radyo at marami pang iba.

Tumatanggap din po ako ng sirang puso. Kung masakit na talaga, let me fix it. I’m willing to give it my all. Just give me a chance. Gagawin ko ang lahat para maibsan ang sakit na ‘yong nadarama. Aalagaan kong mabuti ang ‘yong puso, pahahalagahan at itatabi sa akin. Subukan mo lang. ‘Wag kang matakot. Narito lang ako.

Ang ‘yong mekaniko.

Advertisements