Easy as RFP

by Sankage Steno

Paborito kong commercial ‘to ngayon, seryoso. Isang buwan na yata akong nae-LSS dito. Ang galing lang ng gumawa ng ad na ‘to ng BIR; sobrang catchy ng song at ang ganda ng color scheme du’n sa visuals ng commercial, tapos parang gusto mo ngang magbayad ng tax mo kahit hindi naman talaga. Utot nila, di ba?

Kapag nag-aabang ako ng elevator sa building, du’n ko madalas napapanood ‘tong RFP ad na ‘to, at napapakanta talaga ako. Pabulong lang. Nahihiya kasi ako sa ibang taong nasa paligid, pero one of these days, pramis, kakantahin ko talaga s’ya nang malakas. Baka sa birthday ko gawin ‘yon. Sasayaw pa ‘ko kung high ako nu’n. Ang ganda kasi talaga.

Ayan, kinakanta ko na naman sa utak. Jusmiyo Marimar. Favorite song ko na s’ya ngayon, same with No Erase nina James Reid at Nadine Lustre. Grabe, anjologs ko. Panalo.

It’s as easy as R.F.P. Register, File and Pay!

Feeling ko ‘yung gumawa ng RFP (Register, File and Pay) ad na ‘to ng BIR e ‘yung BBDO Guerrero, the same company na gumawa ng It’s More Fun in the Philippines campaign ng Department of Tourism. Can somebody Google this info for me? Tinatamad na kasi akong mag-search. Araw-araw na lang akong search nang search, di naman s’ya dumarating.

Sa totoo lang, I wish the BIR success sa pangongolekta ng buwis, pero syempre inis din ako sa thought na baka ‘yung mga tax na ‘to e mauwi lang sa bulsa ng ilang pulitiko o government workers. E isa pa naman ‘yung BIR sa mga kurakot na ahensya ng gobyerno. Hindi ko lang sure ngayon kung kasama pa rin sila sa top. In fairness naman kasi kay Kim Henares, maganda at honest ‘yung performance n’ya.

It’s as easy as R.F.P. Register, File and Pay!

Ang wish ko lang, kung ga’no kaganda ‘yung ad ng BIR, sana ganu’n din kaganda ‘yung serbisyo nila. Nakakainis e. Tuwing pupunta ako d’yan para mag-ayos ng dokumento laging nauubos ‘yung buong araw ko. Kulang lagi ‘yung pag-half day sa work para gawin ‘yung dapat kong gawin. Kailangan talagang umabsent o mag-leave para matapos ‘yung ipinunta mo do’n.

At ‘yun e kung matatapos ka nga. Swerte mo kung gano’n. Pa’no kung hindi mo pa rin matapos? Madalas kayang mangyari ‘yon. Ang mas nakakainis pa, magkakaroon ng aberya o delinquency not because of your fault. Minsan, BIR pa mismo ang me kasalanan kung bakit ka nagkaroon ng problema sa dokumento. Sila ‘tong namali ng pirma o record o sulat o pag-file o paglagay sa computer. Tang-ines talaga!

It’s as easy as R.F.P. Register, File and Pay!

Dito ko lang sa ahensyang ‘to nararanasan ‘yung gusto kong umiyak dahil sa tagal at sa katangahan ng mga taong nagtatrabaho do’n. Tanga not in a sense na hindi nila alam ‘yung gagawin. Tanga kasi alam naman nilang mali nila, alam naman nila ang solusyon, hindi pa nila gagawin. Patatagalin pa nila at pagpapasa-pasahan ka para di sila ‘yung umasikaso sa ‘yo.

Para silang bulbol, ang gulu-gulo.

Pero kahit ga’no man sila kabwisit sa buhay, wala akong magagawa kasi it’s the law. Kailangan sila ng bansa para magkasweldo ‘yung mga buwaya sa pamahalaan. Kung walang buwaya, masisira ang ecosystem. Maghahari ang mga prey. Giginhawa ang buhay. Hindi pwede ‘yon. That’s not life, because life is not about comfort. Lintek.

It’s as easy as R.F.P. Register, File and Pay!