Astig na Babae

by Sankage Steno

Gusto kong batiin ‘yung kapatid kong nagtapos ngayon. Binabati kita. Hindi ko sasabihin ang pangalan mo dito dahil baka madamay ka pa sa mga kalokohan ko. Marami kaya akong haters. I’m so sikat. Baka rin marami pang magkainteres sa ‘yo. Ganda mo pa naman.

Gusto ko ring batiin si Mama. S’ya talaga ang winner dito. Tatlo na kaming napagtapos n’yang mag-isa. Ako sure akong di ko kaya ‘yon. Di ko nga sure kung magkakaanak ako e. Malamang hinde. Duh. Tatanda kaya akong mag-isa at miserable ang buhay. So, Ma, congratulations! Isa na lang. Kayang-kaya ko na ‘yon. Pwede ka nang magretiro.

Sa inyong dalawa, nais kong ipabatid ang aking pagmamahal at pasasalamat. Gabi na kaya pwede nang magdrama. Bukas gaguhan na ulit. May pinipiling oras ang pag-emo. Meron din syempre sa basagan.

In fairness talaga kay Mama, nakaya n’yang mairaos kaming magkakapatid. Ansarap siguro nu’n sa pakiramdam. Syempre di ko alam ‘yung pakiramdam na ‘yun kasi di naman ako ina o magulang. May mga pakiramdam at karanasan talaga sa mundo na kahit kelan e di ko makakamit kahit anong pilit o galing ko pa. Ang gara lang talaga.

‘Yung kapatid ko rin naman e magaling. Ni hindi ko nga namalayang apat na taon na pala ‘yung lumipas simula nu’ng nag-Maynila s’ya para magkolehiyo. Ta’s ngayon, graduate na? Napakabilis ng panahon kapag matanda ka na, lalo na ‘pag nasa 20s. Any-any, trenta na ‘ko, at makakaranasa na ‘ko ng midlife crisis.

Anyway, bakit ba laging nababalik sa ‘kin ‘yung sinasabi ko? Alam na. Conceited at self-centered lang talaga ako.

Mabalik ako. Astig talaga ‘tong mga babaeng ‘to sa buhay ko. Actually lahat silang mga kamag-anak at kapamilya kong babae, puro astig. Strong women. Kumpara sa mga lalake, wala, olats. Physically siguro mas malakas silang mga may XY chromosome, pero hanggang du’n lang. Sa ibang aspeto ng pagkatao, mahina na sila. Yes, siraan ko daw ba ang mga lalake. Ngayon lang naman, pagbigyan na.

Tablado kasi masyado ‘yung mga babae sa history, so kahit man lang ‘tong blog ko ngayong gabi e makatulong para makadagdag sa napakalaking kontribusyon nila sa humanity. At least may makakaalam nang ibang tao kung ga’no ka-amazing ‘yung kapatid ko at ‘yung mama ko, parehong babae, parehong strong.

Congrats, Mama. Congrats, sis. Sa Sabado na lang ‘yung treat ko sa inyo pag-uwi ko.