Kala mo lang madale

by Sankage Steno

Merong tirang pizza sa ref, kalahati na lang. Ininit ko na rin at saka kinain. Sayang e, laman-tiyan din ‘yon kahit apat na araw nang andu’n. Nilafang ko s’ya after kong magluto at tumira ng kikiam at squid balls na binili ko nu’ng Linggo. Sumobra ‘yun sa panahog sa pansit. Niluwas ko na lang at ngayon kinain. Muntik ko pa ngang malimutang dinala ko e.

Reward ko ‘tong mga ‘to sa sarili ko ngayong araw. Hindi naman talaga ako dapat kumakain ng mamantika kasi masama sa mahina kong katawan. Mahina? Anlakas ko kaya. Anyway, reward nga ‘yon kasi me natapos akong story ngayon sa work ko na sobra akong ini-stress. Tuesday pa sa ‘kin binigay ‘yon pero kanina ko lang natapos. At ang verdict ng boss ko?

“Good work,” Sankage Steno.

Top story namin s’ya bukas. Hindi ko pwedeng sabihin ‘yung story kasi nga bukas pa lang s’ya mapa-publish. Ilalagay ko na lang ‘yung link sa Facebook ko. Sorry kung di kita friend du’n.

Hindi naman ako normally nahihirapan sa pagsusulat ng story. Masakit sa ulo, oo, pero hindi naman ganu’n ka-stressful. Kaya naman nagkagano’n sa story na ‘to e dahil wala akong impormasyon. Imposibleng magsulat nang walang impormasyon. Dapat may alam ka, marami! E ‘tong lecheng lead na ‘to e di ko alam kung pa’no sisimulan.

I won’t go into details dahil baka masibak ako sa trabaho. Sabihin na lang nating dagdag trabaho lang ‘yon sa ‘ken, ta’s wala pa ‘kong available resources to finish the task. Kumbaga sa engineer, may skill ka nga, wala ka namang toolbox. Kumbaga sa teacher, kaya mo ngang magturo, wala ka namang estudyante. Ganu’n ‘yung nangyari sa ‘kin.

So ngayon alam mo nang imposibleng magsulat ang isang journalist kung walang impormasyon. Super basic no’n. No brainer. Hindi naman kasi pwedeng imagination lang ang gamitin sa pagbabalita. Ano ‘to, short story? Novel? Creative writing? Hindi gano’n ang journalism. Based on facts dapat, objective, at nakasandig lagi sa katotohanan. ‘Yun ang wala ako nu’ng una kaya di ko magawa ‘yung story ko.

E buti na lang at maparaan ko. Buti na lang at may Facebook. Buti na lang may connections at friends ako. Salamat sa mga taong naging involved sa mini adventure kong ‘to.

Para akong nabunutan ng tinik nu’ng makuha ko ‘yung mga impormasyong kailangan ko para masulat ‘yung kwento. Nahirapan pa ‘ko nu’ng hinahanap ko ‘yung contact kasi ayaw sumagot. Di ko ma-verify kung s’ya nga ‘yung taong dapat kong pagtanungan. Buti naman at sumagot din kalaunan. Salamat talaga. Life saver.

Ayoko naman kasing mag-imbento ng story ‘no. Mortal sin ‘yon. Saka di naman ako nagsusulat ng fiction. Ibang league ‘yon. Kahit nga dito sa blog na creative non-fiction, kahit papa’no, based pa rin sa facts. E ‘yon, trabaho, nakasalalay talaga dapat sa mga accurate information. Jusmiyo marimar.

Pero ibang usapan ‘pag novel ko na ‘yung sinusulat ko. Syempre du’n mostly imagination ko ang gamit. Imagination na halaw pa rin sa information galing sa mga na-research ko o napagdaanan ko. Bale ganito ang ratio (not scientifically proven, only Sankage-ly proven):

Journalistic writing/Non-fiction = 90% facts, 10% imagination

Creative writing/Fiction = 90% imagination, 10% facts

Pero kung si Dan Brown o Carl Sagan ka, baka ‘yung creative writing/fiction e maging 50% imagination at 50% facts. Sabi ko nga, di ‘yan scientfically proven. Saka kanya-kanyang diskarte din ‘yan  ‘pag nagsusulat. Me kilala kaya akong journalist na 90% imagination, 10% facts… si Stephen Glass.