Hindi ko itatanong

by Sankage Steno

Baka magkita kami ni Pareng Obama sa Lunes, so hinahanda ko na ‘yung mga itatanong ko ngayon pa lang. Ayoko kasing abalahin ‘yung sarili bukas saka sa Linggo. Magpapahinga ako at magsasaya.

Marami akong gustong itanong, pero sure akong hindi ko sila matatanong. E ganu’n talaga. Pangulo ‘yon ng pinakamakapangyarihang bansa sa mundo e. Anong inaasahan ko? Na ipaglalatag ako ng carpet papunta sa kanya at makaka-one-on-one ko s’ya? Na makakapag-selfie ako kasama s’ya? Asa pa ‘ko.

Pero umaasa talaga ako.

Now, syempre, hindi ko ibabahagi rito ‘yung mga itatanong ko. Ayoko nga. Baka agawan pa ‘ko ng ibang epal d’yan. Ang ilalagay ko rito e ‘yung sure akong pagtatawanan ako at di seseryosohin kapag tinanong ko. Ito ‘yung mga reject sa listahan ko. Ako na mismo ang sumala para hindi ako masyadong mapahiya if mabigyan nga ng pagkakataong makadaupang-palad si Pareng Obama.

1. Bakit ambastos n’yo po? Tribute po ‘to kay MANDELA(!), tapos nakikipag-selfie kayo. Bakit po gano’n?

2. Ano po tatak ng relo n’yo? Magkano? E ‘yung singsing?

3. Ano po toothpaste n’yong gamit? Amputi po ng ngipin n’yo. Malayung-malayo sa balat n’yo po.

4. Selosa po pala si Michelle, ‘no? Totoo po bang s’ya ‘yung nagpalipat sa inyo? Astig.

5. Nakailang sabi po si Michelle bago po kayo napalipat ng upuan?

6. Under po pala kayo. Sa White House po, s’ya pa rin po ba ang nasusunod?

7. Ano pong tinatawa-tawa n’yo d’yan?

8. Orgy po ba ‘to?

9. Sino po ‘yung nakaluhod sa baba?

10. On a scale of summer to El Nino, how would you rate your sex life?

11. Lights on, lights off?

12. ‘Pag brownout po sa White House, pa’no po kayo nagkakakitaang mag-anak?

13. Maliban kay Justin Bieber at Miley Cyrus, sino pa po ang nasa Terror list n’yo? Sino po ang next big fish after kay Bin Laden?

14. Kapag nagpahaba po ba kayo ng buhok, afro?

15. What is love?