Anong kamatayan ang gusto mo?

by Sankage Steno

Talagang morbid ang isusulat ko ngayon dahil nasabon ako ng boss ko. Asan ‘yung death note ko? Leche. Naiwan ko na naman yata sa bahay.

Narinig ko dati sa isang taong di ko na matandaan or nabasa ko somewhere na we choose our own death daw. Consciously or otherwise, ganu’n talaga ang nangyayari. It’s not proven scientifically, nuba, but there’s a hint of truth to it. Sige, isipin mo. Syempre di ka mag-iisip agad. Hihintayin mong isulat ko rito ‘yung mga example.

Sige, ibibigay ko.

I’m sure hindi pinili ni Ninoy Aquinong ma-assassinate s’ya, pero pinili n’yang bumalik sa Pinas kahit alam n’yang may banta sa kanyang buhay. Ganu’n din si Jose Rizal. Alam n’yang pwede s’yang ipapatay ng mga Kastila kapag pinublish n’ya ‘yung Noli at Fili, at kapat bumalik s’ya sa bansa, pero ginawa pa rin n’ya. Si Marlene Esperat. Alam n’yang pwede s’yang mapahamak sa mga sinusulat n’yang investigative stuff, pero sinulat pa rin n’ya.

Ayan, nadedo tuloy sila.

Punta tayo sa medical field, kuno. ‘Yung kapitbahay namin noon sa UP Bliss, namatay sa liver cirrhosis ata, basta may kinalaman sa atay. Alam kong hindi n’ya handpicked ‘yung sakit na ‘yon, pero di n’ya tinigilan kasi ang pag-inom. Same thing sa mga mahilig manigarilyo. Alam kong alam nilang masama ‘yon, pero tuloy pa rin sila sa bisyo nila. Hindi na nakakagulat kung mamatay sila sa lung cancer o sa ibang lung-related disease.

‘Yung mga may HIV-AIDS. Syempre wala namang ginustong magkaroon no’n at mamatay dahil sa kumplikasyong dulot ng virus, pero marami pa rin ang sumasabak sa unprotected sex.

Accidents naman. Sasabihin mo aksidente lang? Di rin. Kung halimbawang kaskasero kang magmaneho o umiinom ka at nagda-drive? E di parang pinili mo na ring mamatay sa daan. ‘Yung mga nagmomotor na hindi naka-helmet at ‘yung mga hindi sumusunod sa batas-trapiko, same thing. They take the risk, at ‘pag tinamaan ng lintik, patay.

Ayan a, nasabi ko na ‘yung ilang examples. Ang punto, pinipili mo indirectly ‘yung paraan ng pagkamatay mo sa pamamagitan ng mga ginagawa mo sa buhay. A lot of it may seem circumstantial at hindi talaga “by choice,” pero one thing leads to another.

Ako na lang, halimbawa. Panay ang blog ko ng mga nakakainis at “mapanirang” entry sa kung anu-anong topic, so expected ko nang baka isang araw e bigla na lang akong barilin ng riding-in-tandem na killers. Hindi ko man gustong mamatay sa gano’ng paraan, e dahil patuloy pa rin ako sa ginagawa ko, it might somehow lead to that.

O ‘yung pagkain ko ng matatamis. Wala pa ‘kong diabetes, pero dahil bigay-hilig ako sa sweet tooth ko, it should not come as a surprise kung pagtanda-tanda ko pa e magkaroon na ‘ko ng diabetes at mamatay sa kumplikasyon nito. Ginusto ko ‘yun e. At dahil ginusto ko, pinili ko.

So the pesky truth, kahit di 100 percent proven, is, pinipili talaga natin ang paraan ng pagkamatay natin.

Feel free to disprove me.