Eto o, pantanggal stress

by Sankage Steno

There’s nothing like after-work hours. Ansarap sa pakiramdam, lalo na kung holiday kinabukasan o weekend. Walang sinabi ‘yung holidays at weekends nu’ng estudyante pa lang ako. Ngayon kasi mas madalan ang walang pasok kaya mas hinahangad mo as a worker or an employee. Lalo mong sinusulit at ninanamnam.

Pero let’s not talk about that; instead, pag-usapan natin ‘yung 10th year anniverasary ng finale episode ng Friends. Ay, puta, hinde. Nahawa na ‘ko sa pinapakinggan ko. Hindi ‘yon. Pag-usapan natin ‘yung mga ginagawa ng mga trabahador para mawala ‘yung stress sa work. Ako, gusto kong naglalakad at nagpapahangin (o nagpapaulan). Pwede rin ‘yung nomo o vitamin C (If you know what I mean) paminsan-minsan.

Pero iba-iba tayo ng coping mechanisms. Eto pa ‘yung ibang alam kong paraan para matanggal ang stress na dala ng work o boss sa work:

  • Basagan – Hindi ‘yung basagan ng trip, ha, pero pwede rin ‘yon. Ang basagan na sinasabi ko e ‘yung literal na kahulugan neto. Parang ‘yung sa taksiapo, pero kung malayo ka sa Tarlac, kahit ano na lang basagin mo. Go! Pwede kang kumuha ng bato at batuhin mo ‘yung bintana n’yo o ng opisina n’yo. Pwede rin ‘yung cellphone mo. Kunin mo tapos ibalibag mo para mabasag. Sarap sa feeling ng nakakasira kasi.
  • Suntukan – Oo, kahit masakit, masarap s’ya. Dugo-dugo nga lang mukha mo at mukha ng kaaway mo. Kahit hindi sibilisado ‘tong pamamaraang ‘to (well, lahat naman ng nasa list na ‘to pangbarbaro), sulit naman kasi talagang mailalabas mo ‘yung sama ng loob mo. Corny kung dummy ang gagamitin mo, unless nakadikit ‘yung mukha ng boss o echoserang officemate mo du’n.
  • Patayan – Hindi ng tao, ha. Ayoko namang manira ng buhay ng iba. Dapat saktong pananakit lang. Sama ko ‘no? Ang papatayin mo dito e ‘yung mga halaman sa paligid o ‘yung mga peste sa bahay. Punta ka sa talahiban, tapos gapasin mo hanggang sa kaya mo. O kaya manghuli ka ng daga sa inyo, tapos lunurin mo o kaya e sunugin mo. Brutal ba? E kesa naman manigarilyo ka o pumatay ng tao. Mga peste na lang.
  • Sigawan – Baka sabihin mo napakasama ko nang nilalang, eto para sa mga mild na adik. Sigawan kayo ng pader o ng kadiliman. Humanap ka ng tago o liblib na lugar kung mahiyain kang adik. Pero kung wala kang pakialam sa mundo, sigawan mo lahat ng makasalubong mo sa kalye. Kung may kaibigan kang adik, sigawan kayo sa mukha, harap-harapan. Ang sarap sa feeling nito pagkatapos, trust me.
  • Murahan – Kapatid ‘to ng sigawan. Ibang stress reliever kapag nagmumura ka. Mabilisan ang effect, parang yosi lang o Red Horse. Minsan nga kahit isa lang malutong na “Putang ina mo!” tanggal agad ‘yung pagod at sama ng loob mo e. Parang magic, sa isang iglap, mawawala lahat. Again, mas okay ‘to kung may kamurahan ka. Ewan ko ba kung bakit laging mas mabisa ‘pag may ibang kasama.

Tama na ‘yan, lima lang. Meron pa ‘kong naiisip, kaso lalagpas na ‘ko sa 500-word limit. Siguro sa comment na lang ‘yung iba.