Nagpakatanga na nga ako

by Sankage Steno

May karugtong pa ‘yan. Eto: “Hindi pa ba enough ‘yon?”

Hoy, ‘wag kang judgmental. Hindi ako nagsabi n’yan. Narinig ko lang ‘yan kagabi. Pramis, maniwala ka, hindi ko sinabi ‘yan. Ang nagsabi n’yan e ‘yung isang jogger na nakasalubong ko sa may Ayala. Kausap n’ya ‘yung kasama n’yang friend (o boy friend).

Teka, ba’t ang defensive ko?

Sabi nu’ng kasama kong kaibigan na nakarinig din d’yan, “Ang awkward pala kapag nadinig mo sa iba.” Awkward naman talaga. E kasi ba naman, nasa public place, tapos anlakas-lakas pa ng boses, ta’s nagshe-share ng mga love problems. ‘Wag ganu’n. There’s a proper venue for that. Tara sa bar o sa bahay namin, du’n tayo mag-usap.

Pero to answer the question of the kuyamae na nagtanong no’n kagabi (kahit rhetorical pa s’ya), ang masasabi ko lang e isang malaking HINDI. Hindi enough ‘yon. Hindi enough na nagpakatanga ka lang para sa isang lalake o babae para mahalin ka n’ya, although it helps a lot kung magpapakatanga ka nga pagdating sa ganyang larangan.

I’m no expert in love, pota. Ako? Bokya kaya ako d’yan. Pero I know there’s some truth to it. Ang alam ko, ang pag-ibig ay hindi para sa malalakas at matatalino; para ‘to sa mga mahihina at tanga.

Don’t make me explain myself. Wala akong isasagot. Kasasabi ko nga lang, di ba? Wala akong alam d’yan. Bobo ako pagdating sa ganyang usapan. Ibang tao na lang tanungin mo. Try mo ‘yung mga magulang mo kung buhay pa sila. Don’t ask your bestfriend, too. Wala rin ‘yang alam for sure. Pare-pareho lang tayong sawi sa pag-ibig.

Yes, nandamay talaga ako? Damay-damay na lahat!

So ang next question, kung di enough ang magpakatanga para sa isang lalake o babae para mapasaiyo s’ya, what else is needed? Manghuhula lang ako ng sagot. And don’t you dare blame me kapag inapply mo ‘to sa buhay mo at pumalpak. Susuntukin kita sa ngalangala.

Sa tingin ko, bukod sa pagpapakatanga at pagiging mahina, kailangan mo ring maging malandi. Sabi nga nila, daig ng malandi ang maganda (o gwapo). Mas malandi, mas marami kang maikakama. Mas malandi, mas marami kang makakarelasyon. And who knows, baka isa do’n ‘yung talagang nakalaan para sa ‘yo. Subukan mo lang lumandi, for sure may tutuka sa ‘yo.

Alam mo kung bakit ko alam? Kasi… “ang hapdi’y natitiis, ngunit ang kati’y hindi.”

I should be taking my own pill. Dapat sinusunod ko ‘yung mga payo ko e. Pero antanga-tanga ko lang. Kulang na kulang ako sa landi. Pwede bang ikaw na lang ang manlandi sa ‘ken? Ako na lang ‘yung sa receiving end. Hindi kasi tinuro sa school ‘yan e, so hindi ko alam. Ganu’n ako kabobo.