Wala akong ginagawang masama

by Sankage Steno

Kung halimbawang inutusan ko ‘yung best friend kong bugbugin ‘yung kaaway ko at binugbog nga n’ya without the victim knowing na ako ‘yung nag-utos, kasalanan ko ba ‘yong ginawa ng best friend kong pananakit sa ibang tao? Walang ibang nakakaalam maliban lang sa aming dalawa.

E pa’no naman kung sinabihan ko ‘yung anak ko na kunin ‘yung class record ng teacher n’ya at sunugin, ta’s ginawa nga ng anak ko without the teacher knowing na may blessing ko ‘yung ginawa n’ya, masasabi mo bang ako ang may kasalanan no’n?

Take note, ha? Walang proof na ako ‘yung kapural, na ako ‘yung pasimuno ng lahat. Does that mean pa rin ba na wala akong kinalaman at pwede akong mapawalang-sala? Kung ang sagot mo e “No, may kasalanan ka pa rin” magkakaaway kayo ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales n’yan. Hindi kayo magkakasundo.

S’ya kasi, pinawalang-sala n’ya si Gloria Arroyo hinggil sa pagkakasangkot diumano nito sa Fertilizer Scam na inexpose ni Marlene Esperat noong 2004 kung tama pagkakaalala ko (na dahilan kung bakit din s’ya pinatay sa kanyang sariling tahanan, sa harap ng kanyang mga anak).

Ayon sa imbestigasyon ng Ombudsman (na hinahangaan ko kahit pa may ganito s’yang desisyon ngayon), wala raw sapat na ebidensya at basehan para patunayang si Arroyo nga ang nag-utos na magnakaw ng milyong halaga para sa pagbili ng fertilizer na hindi naman nag-materialize. Sabi pa ni Ombudsman, “she (Arroyo) cannot be held liable for the illegal acts of her subordinates.”

A gano’n? So walang ebidensya kaya walang choice kundi palayain s’ya? Tangina mo. Tanginang mga lawyer na hindi nakakalap ng ebidensya para mapatunayang may kinalaman si Arroyo. Tanginang mga koneksyon ni Arroyo na tumulong para hindi s’ya maparusahan.

Just so you know, pang-apat na ‘to sa mga dinismiss ng Ombudsman na kaso against Arroyo.

E tangina, wala naman pala talagang kasalanan si Arroyo. Ba’t galit na galit ako sa kanya? Inosente naman pala. Ako pala ang mali. Isa pala talaga s’yang santa. Dapat pala palayain na natin s’ya at bigyan ng VIP treatment. Ibalik na natin lahat ng privileges at rights na meron s’ya. Hindi naman pala s’ya kriminal. Ano pang silbi ng pag-detain sa kanya?

Kung walang mahanap na ebidensya ‘yung mga abogado ng gobyerno at ‘yung mga imbestigador sa kaso laban ke Arroyo, ‘wag na tayong magsayang ng pera sa pagpapasweldo sa mga walang silbing hinayupak na ‘to. Sayang ‘yung tax na kinakaltas sa sweldo ko at sa VAT na dinadagdag sa mga pinamimili ko. Napupunta lang lahat ‘yon sa pagpapasweldo sa mga incompetent na taong ire.

Grabe, sobrang talamak ng korapsyon sa panahon ni Arroyo, ta’s wala ni isang kaso ang maipanalo natin para maparusahan nang tuluyang ‘tong gagang ‘to?

Mabuti pa, kumuha na lang tayo ng kahit na sinong taong-grasa d’yan sa kalsada o basta kahit na sinong inosenteng pangit na mukang kriminal. S’ya na lang sampahan natin ng kaso. Kumuha tayo ng mga pekeng ebidensya para mapakulong s’ya at maparusahan. Ganu’n naman lagi ginagawa ng mga pulis natin, di ba? S’ya na lang ang ipalit natin kay Arroyo. Tangina kasi e, walang mayaman at makapangyarihang taong napaparusahan sa bansang ‘to kahit alam na alam mong sila ‘yung may kasalanan.

Ipagpasadiyos na lang natin. Siya na ang bahala. Pweh!