Fan ng Pamilya

by Sankage Steno

Tagahanga ako ng pamilya, pramis. Kaya halos lahat ng picture ng friends ko sa Facebook na kasama ‘yung family nila e nila-like ko. E kahapon, Mother’s Day, e di tadtad ng mga muka ng nanay ‘yung news feed ko. Nawala na ‘ko sa bilang ng pagla-like sa mga ina ng FB friends ko. I’m sure sa Father’s Day, ganu’n ulit ang mangyayari. Malakas lang talaga kutob ko.

Syempre, dahil marami akong free time, nag-overthink na naman ako. Bale ‘yung neurons ko sa utak, nag-OT na naman. Day off dapat nila kahapon e, pinagtrabaho ko pa rin. So ‘yun, mega analyze nga ako sa mga bagay-bagay, ta’s naisip ko, kaya pala ako like nang like sa mga picture ng family sa FB e kasi, bukod sa fan ako, may halong pagkainggit.

Ops, emo na. End.

Biro lang. Tae. Hindi ko gagawing emo ‘tong post na ‘to dahil masaya ako ngayon. Kakagaling ko lang kaya sa beach kasama ‘yung mga kapatid ko. Kala mo a. So eto nga, napaisip na naman ako. Ang tanong ko sa sarili ko ngayon, ba’t ako naiinggit sa kanila e me sarili naman akong pamilya? Andyan ‘yung mama ko, mga kapatid at ‘yung sandamukal kong kamag-anak.

Grateful naman ako, sobra, dahil sa family ko, pero syempre, tao rin, hindi nasa-satisfy ang kaligayahan ko. Laging “I want more. I want more.” At ‘yung more na ‘yun ang alam kong never kong makukuha sa buhay ko. Gets mo ba? So may family ako, pero wala akong family. Anlinaw, di ba? Bahala ka nang umintindi sa sinasabi ko. Kahit ako di ko ma-gets ‘yung sarili ko minsan e.

Baliw lang.

Di pa tapos, nag-overdrive mode pa ‘yung mga neurons ko, as in namamanas na ‘yung mga axons ko at panay na pintig ng synaptic connections sa utak ko, ganyan.

Naisip ko si mama. Kung tama ‘yung kalkulasyon ko, nasa edad 23 s’ya nu’ng mag-asawa at ipanganak ako. Tama lang naman. Naka-graduate na s’ya at may trabaho na, so I guess perfect ‘yung timing by convention. So maswerte talaga ako at may responsable akong mga magulang. Ang malas ko lang nga sa ngayon, kase ako, late 20s na, pero walang asawa’t anak.

Hindi naman sa gusto ko na, hano. Actually, gusto ko, pero ayaw ko. Ayoko nga, pero gustung-gusto ko talaga. Anlinaw, di ba? Bahala ka nang umintindi sa sinasabi ko. Kahit ako di ko ma-gets ‘yung sarili ko minsan e.

Aning lang.

Ayun, ampangit lang ng sitwasyon ko, pero I’m thankful pa rin naman. At least I’m not copying anybody’s formulaic life. May sarili akong diskarte sa buhay, although hindi ko naman sure kung ano nga kahahantungan nito. Basta go with the flow na lang at enjoy the ride.

At eto pa, naisip ko rin. Actually, nabasa ko sa FB at medyo nag-agree ako. Di ba si mama, 23 nanganak? Si Mama Mary kasi 14 lang nu’ng pinanganak si Jesus. I’m not saying gayahin mo. Mahirap ang buhay ngayon. Mahirap magpalaki ng anak. Pero! Maganda rin namang magkaanak nang bata ka pa (provided na kaya mo na ngang magpalaki ng anak), kasi mas marami kang time na mahalin ‘yung anak mo.

Isipin mo naman kung 30+ ka na nagpamilya. Ilang taon mo na lang makakasama anak mo? Baka nga di mo pa s’ya abutang makatapos ng college. Sayang ang milestones sa buhay. Kaya, go! Mag-anak ka na. Basta be responsible.

Yes, parang gusto ko nang magkaanak. Pero di ko gagawin ‘yon. Ayoko e. Pero gusto ko. Anlinaw, di ba?