Henna will always love you

by Sankage Steno

Pang-knock-knock joke ‘yan. Buset. I cracked myself up.

First time ko kasing nagpa-henna tattoo. Pinagawa ko ‘to sa Puerto Galera nu’ng Linggo. Nagdadalawang-isip pa nga ako nu’ng una kasi baka mahal ‘yung isingil sa ‘kin nu’ng artist. Muka kasi akong di Pinoy kaya minsan nasisingil nang mahal. Buti na lang P150 lang siningil sa ‘kin. Nagtagalog kasi ako nu’ng tinanong ko si kuya.

Isa pa, kaya ako nagdalawang-isip, kasi baka allergic ako sa tinta. Baka lang naman. Kay kinis ko kasi e. Nabasa ko lang na may ibang tao na allergic. Buti hindi ako kabilang du’n sa ibang tao na ‘yun. Medyo ayoko rin sa tattoo noon. Alam ko kasi na pang-hoodlum lang s’ya. Pero iba na ngayon paniniwala ko. Part din kasi ng kultura natin ‘to.

Alam mo ba ‘yung mga Pintados? Sila ‘yung mga warrior na katutubo natin. Naglalagay sila ng tattoo sa katawan kapag nakakapatay ng tao o hayop. Mas maraming tattoo, ibig sabihin, mas marami kang kill. It’s a status symbol noon. Ang galing ‘no?

Pero wala naman akong napatay. Pag-ibig lang. Chos. Nagpa-henna ako kasi gusto kong masubukan. May maganda rin kasi akong design na nakita. Maraming maganda, pero ‘yung napili ko ang napili ko kasi s’ya lang ‘yung nakitaan ko ng story. Well, wala naman talaga s’yang kwento, pero pagkakita ko pa lang sa disenyo, may nabuo na agad na kwento sa utak ko. ‘Yun ang naging basehan ko para piliin s’ya sa daan-daang patterns na naroon.

Ang saya ko lang nu’ng natapos. Magaling kasi si kuya artist, kamukang-kamuka nu’ng nakalagay sa menu nila. Grabe lang ‘yung titig ko sa henna tattoo ko. Hanggang makauwi sa amin from Oriental Mindoro, tinititiigan ko s’ya. Adik lang.

Hindi lang naman ako ang napapatitig. Maraming tao kaya ang nakakapansin, so maganda rin s’yang pamick-up ng honeybunch. Okay din s’yang conversation starter. Alam na!

Kanina nga nu’ng pauwi ako, may nakasalubong akong mga lalake, barkada yata, pero may katandaan na sila. Nu’ng papaliko na ‘ko sa kanto ng Ayala, napansin ko ‘yung isa sa kanilang nakatingin sa may kamay ko. Du’n ko kasi pinalagay ‘yung tattoo. Natawa ako kasi sobra ‘yung titig n’ya. ‘Yung tingin bang parang malabo ‘yung mata n’ya at talagang inaaninag ‘yung nakaguhit sa kamay ko.

Pramis, ang funny nu’ng itsura n’ya. At natuwa ako sa kanya dahil sa curiosity n’ya kahit matanda na s’ya. Mora than that, hindi s’ya nahiyang ipakitang nakatitig s’ya sa kamay ko kahit napansin ko na s’ya. Winner talaga ‘yung reaction n’ya. Kung nagkalakas lang s’ya ng loob na tanungin ako, baka kinwento ko pa sa kanya kung ano ‘yung pinatattoo ko at kung bakit ‘yon ang napili ko.

Before si kuya, nauna nang mapansin ng boss ko ‘yung tattoo ko sa kamay. Ilang araw ko nang tinatago sa kanya ‘to. Finally, kanina, bago s’ya umuwi, nakita n’ya. Akala ko papagalitan pa ‘ko, ‘yun pala kukwentuhan lang ako. Du’n daw kasi sa India, kapag may kasal, nagpapa-henna tattoo ‘yung ikakasal. Part ‘yun ng kultura nila. Akala n’ya tuloy e umattend ako ng kasal.

O di ba me natutunan pa ‘ko ngayon. At ang gaganda ng pattern ng mga tattoo sa India. You should see it. GMG. I’m pretty sure na ‘yung mga tattoo nila e may kwento rin. Parang ‘yung sa akin… na wala naman talagang kwento pero nilagyan ko sa utak ko. See for yourself…

IMG_20140514_201802