Ambaho-baho, tae lang

by Sankage Steno

Nakakasulasok lang talaga ‘yung amoy ng ilog sa ilalim ng tulay ng Guadalupe. Ilog Pasig ba ‘yon? Di ko matawag na Ilog Pasig kasi nasa Makati ako. Taray. Pero, seryoso, apakabaho lang n’ya. Parang lahat ng tae sa Metro Manila doon hinuhulog. Kadiri. Mas kadiri ‘yung mga taong nasanay na sa amoy na ‘yon.

Suka.

Hindi ko alam kung pa’no natitiis ni PNoy na manirahan sa tabi ng Ilog Pasig. Di ba andu’n lang ‘yung Malakanyang? E di sobrang baho siguro sa Palasyo. Kahit sabihin mo pang naka-seal ‘yung mga bintana at pinto, sure pa ring mabaho sa paligid. Kawawa naman ‘yung mga gwardyang nakadestino sa labas. Amoy na amoy nila ‘yung bantot.

Alam mo, nu’ng nadaan ako du’n kanina sa may tulay sa Guadalupe, sa halos dalawang minutong pagtawid ko, isa’t kalahating minuto yatang hindi ako humihinga. Ang tindi kasi talaga. Tae kung tae. TAE. Mahihiya ang imburnal sa pagkabaho n’ya. Ito siguro ang Mother of Imburnals. Ang dapat na pangalan n’ya e Khanaleesi.

Ang witty ko, shet. Di mo mage-gets ‘yan kung di ka nanonood ng Game of Thrones.

Paglagpas ko sa ilog, nakakapit pa rin ‘yung amoy sa mga buhok sa ilong ko. Grabe talaga. Siguro kung du’n ako nakatira malapit, nagka-TB na ‘ko. Ewan. May masabi lang. Basta ibang level ang kabahuan. Try mo.

Pero ‘lam mo ba, pagkatapos kong tumawid, may nakita akong nagtitinda ng mani. Bili naman ako. Tindi rin ng sikmura ko e. Kakadaan ko lang sa ilog ng tae, nakuha ko pang kumain. Pagkaubos ko ng mani, may natanaw na naman akong sidewalk vendor. Siomai naman, tigdadalawang piso bawat isa. Mura. Bili na naman ako. Di ako nasiyahan sa P10 kaya umorder ulit ako ng P10 pa. Mahilig kasi ako sa siomai.

So naka-P30 na ‘ko nu’n sa paglalakad pauwi. Kung ba’t ako naglakad e kasi may dinaanan akong bookstore sa may Guadalupe. Since sweldo naman ngayon, bumili ako ng dalawang second hand book bilang reward sa sarili.

Ayun.

Pagkabili ng book at pagkakain ng mani at siomai, tawid na ‘ko sa may MRT. E may nakita na naman akong tinda. Inumin naman. May buko. E paborito ko rin ‘yon, so bili ulit ako. Kadiri ko ‘no? Matapos kong amuy-amuyin ‘yung sangkataehan ng Metro Manila, dinner by the sidewalk naman tinira ko. Ibang level din pala bituka ko. Syempre Noypi e.

Ano kaya amoy ko ‘pag naagnas? Terible, for sure.