Away o Gulo

by Sankage Steno

E nananahimik na nga lang ako kanina, ta’s biglang may tumawag at naghanap ng gulo na nauwi sa mild na away. Sobrang behaved pa naman ako nitong mga nagdaang araw. Nasira tuloy ‘yung panata ko dahil sa matandang hukluban na ‘yon. Napataas n’ya ‘yung presyon ko kanina. Pasalamat s’ya’t nakuha ko pang kumalma. Kundi malilipat ‘yung tato ko sa kamay sa muka n’ya.

I won’t go into the details of that incident, pasensya na. Pero gusto ko lang i-point out ang problema n’ya, na hindi ko rin naman s’ya masisi. Ang ugat ng gulo at away namin kanina: Facebook.

Hindi n’ya maintindihan na para ma-access mo ‘yung fan page ng kumpanya o organization n’yo, kailangan mo munang mag-log in sa personal account mo. Kinekwestyon n’ya kung bakit personal account ang gamit at hindi company e-mail. Tanga lang? E di kung sa simula pa lang e pinagawa n’yo na kami ng dummy account gamit ang company e-mail, e di sana ‘yun na lang ang ginamit ko o namin sa pag-manage ng fan pages.

Ito ang hirap sa digital divide e. Hindi ako digital native; isa ako sa mga digital migrants na tinatawag kasi naabutan ko pa naman ‘yung panahong walang Internet at walang social media; saka lang ako nag-“migrate” sa digital world. Di tulad nu’ng mga pinanganak ng 2000s na paglabas nila sa mundo, may Internet na at cellphones at kung anu-ano pa.

Itong mga matatandang ‘to, hirap maka-adjust. And I understand that. Isa ‘yun sa mga dahilan kung bakit napakalma ko ‘yung sarili ko kanina kahit pa wala akong kasalanan sa isinisisi n’ya sa ‘kin. Inisip ko rin na baka naghahanap lang s’ya ng masisisi, at dahil ako ang mukang kaya n’yang i-bully dahil baby face ako, ako nga ‘yung pinuntirya n’ya.

But, no, sorry sa kanya. Hindi ako martir. Hindi ako basta tumatahimik lang at tumatanggap ng masasakit na salita at paratang. Naglabas naman ako ng mga 37.12 percent na UP blood ko. Pinakita ko sa kanyang kaming mga taga-UP e di lang matatalino; matatapang din kami at walang takot kahit kanino. Hinding-hindi nagpapahuli. Ganyan kaming mga taga-UP!

U-nibersidad-ng-Pilipinas! U!

Shet, na-miss ko bigla ‘yung pag-cheer sa Araneta Coliseum kapag may laban ang UP.

Anyway, mabalik ako kay matandang hukluban. Natapos ang unang away namin sa phone sa pagbabagsak n’ya ng telepono bigla. ‘Yung major confrontation naman namin ay natapos sa pag-wo-walkout n’ya. Do I need to point out the essence of what happened here? Um, I’ll repeat.

Una, binagsakan n’ya ko ng telepono. Pangalawa, nag-walkout s’ya matapos n’ya ‘kong talaktalakan.

Ako? I was able to hold my own.