Kame Hame

by Sankage Steno

Natatawa ako sa drawing ko, shet. Apakapanget kase. Tignan mo ‘yung braso, antaba sa kanan ta’s payat sa kaliwa. Never na talaga ako natutong gumuhit ng kamay. Kaya, ayan, nilagyan ko na lang ng patpat saka energy ball para pagtakpan ‘yung lack of talent ko. Kainis.

Pero I’m assuming na recognizable pa naman kung sinong cartoon character ‘yan. Hindi ko sasabihin kung sino. Hulaan mo na lang. Sasapakin kita ‘pag iba sinagot mo.

Nawala na talaga ‘yung talent ko sa pagdo-drawing. Simula kasi nu’ng nakahumalingan kong magbasa at magsulat, napabayaan ko na s’ya. Pangarap ko kaya nu’ng bata na maging painter. E ano ako ngayon? Nganga. Painter pala ha. Tagapinta siguro ng pader pwede pa. O kaya tagabarnis ng upuan kapag general cleaning. Sabay singhot na rin ng barnis.

Adik.

Ginawa ko ‘yan kanina nu’ng meeting namin. Ay, tae. ‘Wag mo naman akong isusumbong. Nakikinig naman ako kahit nagdu-doodle. Learning style ‘yon. Yes, excuses. Pero, seryoso, nakikinig ako. Naintindihan ko naman ‘yung mga pinagsasabi ng mga katrabaho ko. Impak, hindi ako nasabon ngayon ng boss ko. It’s a miracle!

Feeling ko good luck charm ‘tong drawing ko. Ito talaga ‘yung nagligtas sa ‘kin ngayong araw e. Kung bakit naman kasi araw-araw na lang kailangang mag-meeting. Sobrang time-consuming at boring. Nangangatog pa lagi ‘yung binti ko kapag turn ko nang magsalita. Pakiramdam ko araw-araw kaming may graded recitation. Ta’s lagi akong di prepared.

Buti na lang tapos na ‘kong mag-aral. Kundi, for sure, bagsak ako sa subject na ‘to. Ang baba na kasi ng attention span ko, lalo na kung di naman ako interesado masyado sa pinag-uusapan. I mean, kahit sino naman, di ba? So dapat talaga i-abolish na ang meetings sa company policies. Mag-Facebook na lang tayong lahat! Biro lang.

Okay lang mag-meeting lalo na kung ang pag-uusapan e company outing o Christmas party. Kung tungkol sa trabaho, forget it. Magtatrabaho na lang ako kesa mag-meeting. Grrr.

Pero, in fairness, baka sa sobrang kaboringan ng mga meeting ko e mabalik ulit ‘yung talent ko sa pagguhit. Hindi malayong mangyari ‘yun a, lalo na kung daily ko ‘tong gagawin. Bakit nga hindi no? Mukang ito na nga ang blessing in disguise ng mga boring meetings ko. Sige, starting today, I’ll look forward to boring meetings para mahasa ‘yung talent ko sa pagdo-drawing.

Mape-perfect din kita, Son Goku! Kame hame wave!

IMG_20140528_124919