My Top 5 X-Men Characters

by Sankage Steno

Yep, this was partly inspired by BuzzFeed’s take on the worst and best X-Men members, and although I’m not a comic fan (just the 90s series’ and the movies’), I think my reasoning for this list justifies, well, the list. Besides, blog ko ‘to. That’s my lamest excuse, and the most effective one to boot.

Ang totoo n’yan, this was partly inspired, too, by a conversation this morning with my friend. Ta’s tinag pa n’ya ‘ko sa isang Facebook post about sa timeline ng X-Men movies, so ayan nagtuluy-tuloy na ‘yung muli kong pagkaadik sa franchise na ‘to.

Sa pagbibigay ko ng mga dahilan sa listahan ko, syempre a lot of it is subjective, biased. Hindi naman ako fan nga ng comics. Ang basehan ko lang e ‘yung 90s cartoon noon at ‘yung movies. In addition, I’ll use my life experiences sa pagraranggo ng mga characters na ilalagay ko rito. At, nga pala, lima lang ang ilalagay ko dahil boring na kung tatapatan ko pa ‘yung list ng BuzzFeed.

5. WOLVERINE

I never really liked Wolverine, kaya ganu’n na lang ang inis ko na s’ya ang naging bida sa mga movie. Ang galing kasi masyado ni Hugh Jackman. Anyway, sinama ko s ‘ya sa list na ‘to dahil du’n sa performance n’ya sa The Last Stand at Days of Future Past. Fan ako ng sufferers, and Wolverine is no stranger to suffering… extreme suffering if I may add. Tapos, he is cursed pa—yes cursed—to live an “immortal” life. I know he’s not immortal, pero given his healing ability that even the Dark Phoenix failed to contain, I’m assuming na hindi s’ya mamamatay. And, even after all his sufferings, nakuha pa rin n’yang maging “mabait.” And that’s something even I am not sure if I’m capable of.

P.S. He’s also a victim of unrequited love. How could you, Wolverine. (Tear, go back to my eye!)

4. PROFESSOR X

S’ya ang epitome of grace under pressure for me sa X-Men. Although, apparently, sa latest installment ng movie, nakita natin ‘yung most vulnerable side n’ya. Kaya ko gusto si Professor X e dahil sobrang talino n’ya at sobrang idealistic, na kahit ansama-sama na ng tao, nakikitaan pa rin n’ya ng mabuti. I mean, ilang beses na s’yang tinraydor at kinalaban ni Magneto? Pero ilang beses din n’yang “pinatawad” at tinuring pa ring kaibigan? Remember nu’ng nagkamay sila sa Days of Future Past bago sila mamatay pareho? That’s torture! And that’s true friendship. Saka kung wala si Professor X, walang X-Men. At hindi magiging mabait si Wolverine.

P.S. Imagine the power to kill or control all mutants and all non-mutants with just your mind. Imagine your potential! Now, imagine not using it to your own advantage. Local politicians would definitely die of that kind of abstinence.

3. MAGNETO

Ah, of course, si pareng Magneto. The hero and the villain. Maidagdag ko lang, the victim, too. Nakita naman natin kung pa’no pinalabas ‘yung power n’ya sa First Class, di ba? Pinatay ‘yung mama n’ya. Kung sa ‘kin ginawa ‘yon, kahit wala akong powers, magkaka-power ako. Putang ina nilang lahat! Idealistic din si Magneto, but unlike his friend, Professor X, mas rebolusyonaryo at militaristic ‘tong mutant na ‘to. Hindi s’ya pacifist tulad ng kanyang kaibigan. Ang maganda kay Magneto, he’s been to both the good and the bad side, so kung experience lang ang labanan, lamang s’ya sa lahat ng mutants. Complex din ang pagkatao n’ya na sobrang taliwas sa kanyang power. I mean, controlling metals? Come on! Anong panama n’yan sa mind control, mind reading at telekinesis? He can’t even produce his own metal! Pero ‘yung takbo ng isip ni Magneto at ‘yung paniniwala n’ya ang nagbigay talaga ng umph! sa kanyang personality. He is the perfect model of a human being (despite him being a, well, mutant) kasi he expresses both the good and the evil in all of us.

P.S. Kumbaga sa Philippine history, si Professor X si Jose Rizal at si Magneto si Andres Bonifacio. Atapang atao, hindi atakbo! At malinaw sa kanya sa simula pa lang kung ano gusto n’ya: Equality (Or is it mutant domination?)

2. ROGUE

Hindi s’ya masyadong nag-shine sa movies, unlike sa cartoon series, pero meron s’yang isang ginawa na talagang naapektuhan ako. I’m talking about her role sa The Last Stand kung saan ginive up n’ya ‘yung powers n’ya para makapag-sex sila ni Ice Man. (There’s no other way around it, ano ba?) Alam mo naman siguro ‘yung hirap na hindi mo alam kung mahal ka rin ba ng mahal mo, di ba? E ‘yung alam mong mahal n’yo ang isa’t isa pero di kayo pwedeng maghawakan? Hanggang tingin lang kayo pareho? So near yet so far. It’s like standing knee-deep in a river and dying of thirst. Argh! The cruelty of life! And that’s on top of the discrimination she gets for being a mutant. Double jeopardy. So I understood kung ba’t n’ya piniling pakawalan ‘yung kapangyarihan n’ya (which I believe could be more powerful than Professor X’s or Wolverine’s).

P.S. I thought nu’ng una sa pagpugot lang ng ulo pwedeng mamatay ang everybody’s favorite na si Wolverine. Now I remember—kaya nga pala s’yang patumbahin ni Rogue sa isang haplos lang.

1. CYCLOPS

Alam ko aangal ka, at kung kaharap lang kita, nagsuntukan na tayo. Pero Cyclops is my all-time numero uno X-Man. He’s both my childhood hero and my man-crush. Bukod sa napaka-convenient n’yang power at leadership skills, isa lang talaga ang dahilan kung bakit sobrang biased ako sa pagpili sa kanya—at ‘yun ay dahil sa problema n’ya sa mata. Pareho kami, bakit ba? Kung s’ya, may lumalabas na beam sa mata, ako naman e malabo ang mata. At hindi biro ‘yon lalo na kung mula pagkabata e dala mo na ‘yung “sakit” na ‘to. Alam mo ‘yung pakiramdam na hindi mo magawa ‘yung gusto mo dahil may “kapansanan” ka? Hindi ka makapag-tumbling, makasakay ng rides sa EK, makapag-swim at dive? Priority mo lagi ‘yung salamin o contact lens mo?

Tingin mo mababaw lang ‘yung dahilan ko? Try mong manood ng malabong channel sa TV. Saglit lang asar-talo ka na, di ba? Now live your entire life like that. Isa pa, alam mong sobrang laki ng potential mo, pero di mo malabas. Di mo magamit. Parang si Cyclops. Ang lakas n’ya, pero di n’ya magamit nang husto, knowing na pwede s’yang makasakit ng mga mahal n’ya sa buhay. So he compensates this with his leadership skills (na naging problematic in the end, apparently).

Isa pang gusto ko sa kanya na hindi applicable sa ‘kin (pero gustung-gusto ko), nakuha n’ya ‘yung nilalaman ng kanyang puso.

P.S. Pareho nga kaming may diperensya sa mata ni Cyclops, pero, growing up, na-realize ko ang advantage ng malabong mata. May mga nakikita akong mas maganda kapag blurred, like city lights at night or rain outside the window or sunlight behind tree leaves. As for Cyclops, well, obvious ba? He can kill with his “looks,” literally.

———

P.P.S.

Rounding up my top 10, para naman hindi mabitin ‘yung iba d’yan:

6. Storm
7. Gambit
8. Jubilee
9. Juggernaut
10. Jean Grey/Phoenix