Game Ober

by Sankage Steno

We all saw it coming naman, di ba? Bago pa lang mag-umpisa ‘yung laban, obvious na ‘yung telltale signs na may mangyayaring kagulat-gulat bago matapos ‘yung episode ng GoT S04E08. At, gaya nga ng inaasahan natin, may nangyari: Nahindot ang mga mata ni Prince Oberyn Martell at ginawang pakwan ang kanyang ulo, all thanks to The Mountain.

Red Viper pala ha?

Pero, to be honest, naapektuhan ako ng pagtatapos ng role ni Oberyn sa GoT. Akala ko pa naman aabot s’ya hanggang sa next season; ‘yun pala, di n’ya matatapos ‘tong season 4. Nakakaiyak. Ta’s ‘yung paraan pa ng pagkamatay n’ya, sobrang stupid. Nakakainis. Nakakadiri. Nakaka-disturb.

Sa sobrang disturbed ko kagabi, kinailangan kong magbasa ng bagong libro habang nakikinig ng classical music (Claire de Lune, Canon, Sleep Away at Maid with Flaxen Hair) para lang mawala sa isip ko ‘yung imahe ng pagpapakwan sa mukha ni Oberyn. Nawala naman for a moment, pero andu’n pa rin e. Parang sebo sa kawali na di matanggal-tanggal ng sabon, tubig at kuskos.

Ang nakakainis pa (at nakakabilib, in fairview), kapag may malalang nangyayari sa GoT, laging walang BGM ‘yung paggulong ng credits sa dulo. Talagang pinananamnam sa ‘yo ‘yung pait at hilakbot na dala ng episode. Tangina. Red Wedding. Tungunu. Purple Wedding. Yey.

Iniisip ko na lang ‘yung tawa ni Arya para mabura sa utak ko ‘yung mantsa ng dugo ni Oberyn. O kaya ‘yung outfit ni Sansa (Salamat naman at nagkaroon na rin ng character ang character n’ya).

Oberyn, y u leave me so soon?

Natuwa na ‘ko nu’ng nangiti si Jaime e, pero I knew something was not quite right, and then boom! Panes! Argh! Suka.

Bakit ba inuulit-ulit ko pa ‘yung eksena? Masokista din ako e. Ooh, I love pain. I love suffering. I love getting hurt. Spank me, spank me!

Wait, eto pa pala nagpalungkot sa ‘kin. Nawalan na naman ng isang gender-sensitive/gender-bending character ang GoT. Napaka-promising pa naman ng tambalang Oberyn-Loras (Oberas? Loberyn?). Sana makasal si Loras kay Cersei. Para lang madagdagan ng ikabubwisit si former Queen Regent. Or maybe not. Talo rin si Loras pala.

Anyway, kinailangan ko lang talagang i-blog ‘to dahil nanghihinayang at nanghihilakbot pa rin ako sa nangyari kay Prince Oberyn. So much for trash talk. So much for yabang. ‘Yan ang napapala ng mga maaangas na tao. Nahihindot sa mga unlikely parts of the body.

Taking my own advice is the hardest pill to swallow.

——

P.S.

I regret na hindi sa utak ko nanggaling ‘yung title ng blog entry ko ngayon. It’s from someone’s comment on Facebook. Hindi ko naman ka-close ‘yung nagsabi n’yan, pero I have to acknowledge him. Kung nababasa mo ‘to, thank you. I hate you, too.