Pinoy Tekken Character

by Sankage Steno

Two days ago, lumabas ‘yung bali-balitang baka raw magkaroon ng Pinoy character sa Tekken 7 dahil sa tweet ng creator nito na si Katsuhiro Harada. Narito ‘yung site na pinanggalingan ng balita: KDrama Stars.

Nakakatawa lang ‘yung tweet ni Harada, puro “Jollibeeeeee!!!” Mukantanga lang, pero ang cute. To think na nagustuhan n’ya ‘yung lasa ng Jollibee. Well, mahilig din naman ako sa tempura, ramen at katsudon. Quits lang. Pero, seriously, magandang balita nga kung sakaling itutuloy ni Harada ‘yung paglalagay ng Pinoy character sa Tekken.

Grabe, PlayStation 1 pa lang, nilalaro ko na ‘to, kasabay ng Street Fighter, Marvel vs Capcom, Rival Schools, etc. Ang ilan sa mga favorite kong ginagamit du’n e sina Hwoarang (Korean), Xiaoyu (Chinese) at Gon (Valyrian?). Faneeh. So imagine kung may Pinoy, di ba? Astig ‘yon.

Ang naiisip kong martial art ng magiging Pinoy character e alin sa dalawa: Arnis o Yaw-Yan (Sayaw ng Kamatayan).

Sabe, si Mokujin daw e Filipino, pero yari s’ya sa oak tree. May oak ba sa Pilipinas? So feeling ko hoax lang ‘yun. Mas matatanggap ko pang Pinoy si Gon o si Ogre. Ogre?

Wait, madagdag ko lang. Alam mo ba, chineck ko ‘yung Wikipedia, ta’s nakalagay na du’n ‘yung Pinoy addition sa Tekken 7. Alam mo kung sino? Bokot. Si Jollibee. Ayaw mong maniwala? Eto, click mo ‘yung link.

Joke naman masyado kung si Jollibee, parang si Panda lang. Pero cute naman, at least. Ang weird lang kung mag-aarnis s’ya o yaw-yan. At ang pinakamalaking tanong, may superpower kaya s’ya? Makakalipad kaya si Jollibee? Magkaka-poison sting? Mandudura ng acid? Magpo-produce ng honey para i-heal ang sarili?

Meron na rin palang stage na Pinas ang setting. Nasa blog din na naka-link sa taas. Sunset s’ya, so -assume natin na baka Manila Bay ‘to. May jeepney pa. Ang galeng. Sa Tekken Tag Tournament 2 mo s’ya makikita. If you want a preview, click mo lang ulit ‘tong link. Ayokong mag-embed ng video sa blog ko e. Sayang sa memory.

Pero kung sakali mang kailanganin ni Harada ng inspiration sa gagawin n’yang Pinoy character, here are my serious suggestions: Lapu-Lapu, Urduja o Sultan Kudarat. Eto, malakas ang kutob ko pwedeng-pwede: Manny Pacquiao.

For sure maganda costume no’n, very indigenous (except kay Pacquiao). Ang ganda ng nai-imagine ko. Pero dahil wala pa talagang final say, we can only hope and wait.

Harada, please seriously consider. I’ll play Tekken again (Every day!) if you do that.