Kaharian sa Timog Pilipinas

by Sankage Steno

Hindi ko itatanggi. Nae-excite akong bumalik bukas sa Mindanao. Hindi ako magbabakasyon do’n. Hindi pasarap ang gagawin ko, although pipilitin kong i-enjoy ‘yung maikling stay ko do’n this weekend. Meron lang kasi akong solo mission na dapat ma-accomplish. Syempre di ko pwedeng sabihin dahil baka mabulilyaso. Mahirap na.

Basta isipin mo na lang na isa akong ninja sa Konoha na nabigyan ng isang Class B mission. Hindi naman ‘to life threatening, pero nangangailangan s’ya ng bilis, talas ng isip at husay sa pakikisalamuha at pag-oobserba. In other words, it’s a recon mission. Echos lang. Basta mission s’ya na mahalaga for me.

Baka balikan ko na rin ‘yung salamin kong nahulog sa ilog do’n nu’ng minsang mag-white water rafting kami sa CDO. Asa pa ‘ko. ‘Yun pa naman ‘yung pinakamahal kong salamin sa mata. Jusme, P7,ooo mahigit ang bili ko do’n. Kala mo mura lang ang salamin? Nagkakamali ka. Frame pa lang, makaubos sweldo na. Malas ko lang talaga at pinanganak akong ganito.

Anyway, going back to my trip to Mindanao. Gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat na sobrang underrated at misrepresented ng islang ‘to. Kung tutuusin, mas mayaman at mas maganda ‘to kumpara sa Luzon. I mean, kung ang pag-uusapan e natural beauty at resources, at kung hindi natin isasama ang Benham Rise sa Luzon, masasabi kong malaki ang chance na talbugan ng Mindanao ang kinalakhan kong isla.

So bukas, dahil alam kong hindi rin ako magtatagal sa Mindanao, susulitin ko talaga. Unang flight sa umaga, lipad na ‘ko, at ‘yung pinakahuling flight naman sa gabi ang kukunin ko pabalik. In between those times, lalanghapin ko ‘yung sariwang hangin do’n at kakainin lahat ng pagkain do’n lang matitikman. Sana talaga magawa ko ‘to. Mura lang naman kasi mga tinda do’n, di tulad dito sa Maynila. Grabe, maniwala ka, ang mura ng bilihin do’n.

‘Yun nga lang, hindi rin maikakailang laganap ang kahirapan sa Mindanao. E masisisi ba natin sila kung siraulo ‘yung mga nasa gobyerno at nasa media? I hope ‘yung misyon ko bukas e makatulong para man lang gumanda-ganda ang lagay ng islang ‘to. I know sobrang liit lang nu’ng gagawin ko, pero I’m hoping na that tiny ripple in the pond would cause a tidal wave somewhere. So please lend me your thoughts and energies and whatnot para maging matagumpay ang gagawin ko.

Mindanao, hintayin mo ‘ko d’yan!