Mahabang umaga, mas mahabang gabi

by Sankage Steno

Pumunta ako sa Bukidnon para kausapin ‘yung isang datu roon. Oo, may mga datu pa rin. Palibhasa si Datu Puti lang ang kilala mo, which, by the way, is a real person. Hindi lang s’ya panahog sa adobo o kinilaw, sawsawan ng fishball o chicharon.

Bago ako makarating sa pinuntahan ko, syempre sakay muna ng eroplano, which is madali lang naman. Paglapag ko sa Laguindingan airport, sakay ako ng kotse papuntang Cagayan de Oro. ‘Yung plane saka ‘yung car trip e umabot ng kulang tatlong oras. Pagdating ko sa Cagayan, sakay naman ako ng bus patungong Malaybalay City. Inabot naman ‘yon ng tatlong oras dahil maraming parte ng highway ang ginagawa.

Pagdating ko sa Malaybalay, sumakay ako ng multicab dahil mali ‘yung nababaan ko, so nagpadala pa ‘ko sa mercado (palengke) nila kung sa’n matatagpuan ang talagang terminal. Du’n ko kinatagpo ‘yung anak ng datu na s’yang maghahatid sa ‘kin sa kanilang “kaharian.” Sumakay kami ng jeep at inabot ng dalawang oras ‘yung byahe namin papunta sa paanan ng Mt. Kitanglad (na isa ring bulkan, apparently).

Pinakamahirap na byahe ‘yung sa jeep, dahil talagang nagpupuno s’ya bago umandar. At ‘pag sinabi kong nagpupuno, may nakasakay sa loob sa mga upuan, may nakasakay sa bubong (top load e normal sa probinsya), may nakasabit sa may estribo, doon sa sakayan, at may nakatayo o nakaupo sa mismong gitna ng jeep na dapat sana e para sa paa lang o sa dala mong bagahe. Siksikan talaga. Parang lata ng sardinas na nilagay mo pa sa isang lata ng sardinas na punung-puno na.

Hindi naman ako nagreklamo. Masaya naman ang experience at nakita ko ‘yung closeness ng community nila. Lahat yata ng nakasakay sa jeep e magkakakilala. Ako lang yata ang stranger dahil tingin sila nang tingin sa ‘kin. Obvious na hindi ako tagaroon. Ta’s eto pa, inaalalayan at kinakarga nila ‘yung mga bata kahit di nila kaanu-ano para makasabit o makasakay ‘yung magulang o guardian nito. Astig lang.

So halos 10 hours ang byahe ko all in all na sobrang nagpapagod sa ‘kin. Pero di pa ‘ko pwedeng magpahinga dahil may trabaho pa. Actually, hanggang ngayon may trabaho pa. Break ko lang ‘tong pagba-blog.

Kinausap ko ‘yung datu nga nila, pero bukas ko na lang siguro ishe-share dahil sobrang dami naming napag-usapan. Nagsimula kami bandang alas-kwatro ng hapon. Natapos ang usapang alas-otso na. Inabot na kami ng hapunan at pinagritwal pa nila ako. Basta bukas na ‘yung detalye.

After ng usap, kain at ritwal, pahinga na sa wakas. Binalaan nila akong magpakabusog dahil mahaba raw ang gabi sa kanila. Kinabahan naman ako. Kasi daw malamig at matagal magliwanag. A ok, gano’n pala.

Paghiga ko sa kama matapos maglinis, basa-basa muna ng libro para lalong antukin. Nang inaantok na talaga ako, higa na. E hindi ako makatulog kasi bukas ‘yung ilaw. Di ko naman mapatay dahil di ko mahanap ‘yung switch. Ta’s sobrang lamig pa. Tatlo ‘yung binigay na kumot sa ‘kin. Adik di ba? Bundok kasi. Tapos ang talagang hindi nagpatulog sa ‘kin e ‘yung mga tunog ng kabundukan.

Grabe do’n, parang ‘pag bumuntong-hininga ako, dinig sa kapitbahay. Sobrang tahimik. Alam na alam mo ‘pag may ibang tao.

Ang hindi pa nagpatulog sa ‘kin e ‘yung mga panggabing hayop. Base sa mga umabot sa tenga ko, nakarinig ako ng kuliglig (napakarami), saka palaka din yata, saka kwago (feeling ko kwago ‘yun e). Tapos may mga naririnig akong tunog na di ko na kilala. ‘Yung iba din kasi e natatabunan ng ulan at hangin. Basta naghalu-halo sila sa tenga ko. E sobrang sensitive ko pa man din sa ganu’n, lalo na kung mag-isa lang ako sa kwarto.

Ayun, ganito ‘yung mata ko buong gabi: O_O

Tapos paglabas ko pa ng silid ko, eto ‘yung sumalubong sa ‘kin…