Anonymous

by Sankage Steno

Tinititigan ko lang ang aking katawan. Sa harap ng salamin. Labinlimang minuto, magkaharapan lang kami. Ako at ang sarili ko sa mundo ng mga ilusyon, nagpapakiramdaman. Naghihintay kung sino ang unang bibitaw, sino ang unang susuko. Sa isip ko, hindi naman pala ganoon kasama ang katawan ko.

Kapag walang ibang tao sa bahay, walang saplot na haharap ako sa salamin. Ganito nang ganito, walang hiya, walang pakialam. Ako si Adan, ako si Adan, bago ko kagatin ang bunga ng puno ng karunungan ng mabuti at masama. Isang mito. Isang napakalaking mito. Makapangyarihan. Dahil sa isang kuwento, nabago ang mukha ng mundo.

Ang mukha ko sa salamin. Kaaya-aya.

Mula sa buhok, gagapang ang aking paningin pababa sa aking katawan. Makikita ko ang kabuuan nito, ang kapangitan at ang kagandahan. Hindi ko alam kung matutuwa ako o manghihinayang. Bakit?

-o-

Coke. Mary Jane. Met. Dilaudid.

-o-

Mapupulang mata. Nasa langit na ba ako? Lahat ng anghel, nakapalibot sa akin. Pinapasaya nila ako. Hindi. Pinaliligaya. Hindi ko pa naramdaman ang ganito sa lupa. Pinaliligaya nila ang bawat sulok ng aking katawan, bawat buhok, bawat balat, bawat laman. Laman. Hindi lang sa bahaging alam ko, maging sa mga hindi ko naaabot at nakikita. Putong ama.

Nakakapagmura ako sa langit. Nagagawa ko ang lahat. Napapasaya ko ang sarili nang hindi gumagawa ng kung anuman. Hinahayaan ko lang ang mga sugo ng Diyos na pupugin ako ng kanilang maluwalhating pagpapakasasa sa aking katawang lupa. Hindi sila nagpapaawat. Hindi sila nagsasawa. Ayaw kong manawa. Kakayanin ko ito hanggang sa dulo ng walang hanggan.

-o-

Napakabata mo pa. Natutulog naman siya. Una ang kaliwang kamay. Sunod ang ulo. Nakadantay. Ang init. Wala siyang kamalay-malay. Isang halik. Sa bahaging gusto ko. Isa pa. Mainit. Kumislot.

-o-

Paano mo maibibigay ang isang bagay na wala ka naman?

-o-

Walang taong tumatangkilik sa akin. Wala rin naman akong tinatangkilik pang tao. Kunwa-kunwarian. Naghihintay. Sa may darating o wala, bahala na. Si Bathala. Si Batman. Kung may makakaalam lang nito, baka may dumating. Sa kanyang paparating, bilisan mo naman. Walang nalilibang sa paghihintay nang matagal.

Subukan kaya natin? May panahon pa naman. May lakas ka ba ng loob? Ako ay marami, subalit nakalaan lang sa taong malakas din ang loob. Unahan na lang kung sino. Ang mauna, wagi. Ang mahuli, wagi pa rin naman. Walang natatalo sa larong maalab. Akala lang ng nakararami, talo sila. Ang sa akin, laging panalo. Kaya taya lang nang taya.

-o-

Nakasaad sa aklat, The door to paradise is always open. Ngunit hindi mo ako mapapapasok. Dahil kapag dumako ako roon…

Katapusan.