Sa impyerno na lang ako
by Sankage Steno
Dear God,
Wazzup? Alam kong nasa mabuti kang kalagayan. Diyos ka e. Kaming mga tao, eto, struggling to live. Anyway, kaya ko po kayo kinakausap ngayon e para humiling ng isang bagay. Ngayon lang naman po ako ulit hihiling kaya pagbigyan n’yo na ‘ko. Gusto ko lang pong hilingin sa inyo na kapag namatay ako, huwag po ninyo akong dadalhin sa langit. Gusto ko po sa impyerno mapunta.
Nabalitaan ko po kasing baka raw sa langit mapunta si dating pangulong Joseph Estrada. Naniniwala po s’ya na patatawarin n’yo s’ya sa kanyang mga kasalanan kaya makakapunta s’ya sa kaharian n’yo. Ayoko pong maniwala, pero mukang totoo naman po ‘yung sinasabi n’ya, dahil ‘yun po ang turo ng simbahan n’yo. Well, kung makakasama ko po s’ya sa langit, forget it.
Bring me to hell.
Hindi naman po sa nagmamagaling ako, hano. Pero, God, kung lahat na lang ng humihingi ng tawad po sa inyo e papatawarin n’yo, e di sana hindi n’yo na pinababa sa lupa ‘yung anak n’yo. Sana pinatawad n’yo na lang po kaming mga makasalanan directly. Isa pa, kung papatawarin n’yo nga po ang lahat, mawawalan po ng silbi ang justice system.
Tutal naman po, makakapunta lahat sa langit, gagawa na lang po kami ng masama. Ta’s saka kami hihingi sa inyo lagi ng tawad. Mabait naman po kayo, di ba?
Saka isa pa po, God. Ayoko rin pong makasama si St. Paul d’yan sa langit. Unang-una, pinapatay n’ya si St. Stephen—stone to death. Masakit kaya ‘yon. Pangalawa, itong misogynist, ex-murderer, fundamentalist na si Paul ay maraming sinulat na di ko po gusto. Dahil po sa mga sinulat n’ya na nasa New Testament, bumaba po at sumama ang tingin ng mga tao sa kababaihan at sa LGBT community.
To hell with that.
Tapos gusto n’yo po e makasama ko s’ya? Ayoko pong makipagplastikan sa langit. Sa impyerno na lang po ako, please.
Also, dear God, marami pong santo d’yan ang hindi deserving. Karamihan po sa kanila e sobrang makasalanan. Nagpakasama at nagpakasarap muna sa mundo bago “nagbalik-loob” sa inyo. Tapos ngayon santo/santa pa sila? Wala man lang pong divine retribution? Ambait n’yo naman po… and so unfair and unjust.
Saka mas gusto ko pong makasama si Satanas, si Lucifer, ang pinakamaganda n’yo pong anghel. Feeling ko po kasi, God, e misunderstood s’ya. Sa tingin ko po e meron s’yang kwentong dapat marinig ng marami. At gusto ko pong marinig ‘yung side n’ya. Alam ko pong pinatapon n’yo s’ya mula sa langit, pero bakit?
Dahil ginamit n’ya po ‘yung utak n’ya? ‘Yung free will? Dahil ginusto n’yang maging katulad n’yo po? Ano pong masama du’n? Na-threaten po ba kayo sa kanya? Mawalang-galang na po, pero sa palagay ko po e si Satanas lang ang tanging anghel na naglakas-loob na kwestyunin ang kapangyarihan n’yo. At kung hindi po n’yo gusto ‘yung gano’n, wala po kayong pinagkaiba sa mga diktador at malulupit na pinunong nabuhay sa mundo.
Wala po bang ‘demokrasya’ sa langit? Kayo lang po ba lagi ang nasusunod?
Bakit di po ninyo makuhang patawarin si Satanas? Bakit di n’yo na lang po s’ya burahin at tanggalin nang matapos na ang ‘kasamaan’ sa mundo? Bakit ang laki po ng galit n’yo sa kanya? Ex n’yo po ba si Lucifer? Kung oo, mas maiintindihan ko po.
So, dear God, inuulit ko, ipatapon n’yo na lang po ako sa impyerno. Mukang mas totoo at mas interesante ‘yung mga makasalanan doon e. Salamat po nang marami.
AMEN.
Did anyone ask you for authority to use it article ,meron kasi sa school namin na claiming na sya ang gumawa nito….
LikeLike
I mean this article
LikeLike
I don’t remember anyone asking permission for it. Oh my, plagiarism ‘yan. Tsk.
LikeLike
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=816068625083553&set=a.316497595040661.81318.100000412701282&type=1 check out this person…he claiming that this article is his work….just to set things right..thanks
LikeLike
where did he use my blog? do you also have a link? i can’t simply charge without seeing proof
LikeLike
it posted on his fb wall,
LikeLike
saw it already. thank you. i sent him a message. 🙂
LikeLike
Same questions here, altho hindi pa ako kasing tapang mo para hilingin na sa hell na rin lang ako. 🙂 I’ve read the Bible — not from cover to cover, but more than the average self-professed religious. I read before na “free will” is just an invention by man. Walang “free will” sa Bible dahil from Old to New Testament, blind faith ang advocacy nito. It never said that we have free will, nor did it ever implied it in any way.
What really boggles me is Lucifer. If God knows that Lucifer will rebel, He could’ve (a) stopped Lucifer and made him repent, since God sya at walang imposible sa kanya, or (2) tinegi na nya si Lucifer para hindi na nakapaghasik ng lagim dito sa Earth.
Eto pa… obviously hindi na ko nagtatanong para sayo dahil alam mo na to, pero para na lang sa makakapagbasa ng comment thread ng blog mo, lalo na si Louiza. Yung Fall Of Man sa Eden, it doesn’t make much sense. (1) Bakit kelangan magsinungaling ni God na mamamatay si Eve pag hinawakan or kinain nya yung Fruit of Knowledge? Bakit di na lang Sya nagsabi ng totoo at binalaan si Eve na may snake dun sa puno na ite-tempt sya? (2) Again, bakit di na lang tinegi ni God yung snake para okay ang lahat? Ang labo. Oh well, the list goes on. I still go to church and sing Christian songs kasi it makes me feel good. Sometimes i do pray. But i just can’t shake my questions off.
Saka i’m happy and in love with a girl right now. Hindi ko yata kayang isipin na just because i fell in love with the same sex eh karapat-dapat na kong sunugin habambuhay.
LikeLike
right you are! i agree with you although di na nga ako nagsisimba ngayon. inaaway ko lang kasi lagi sa isip ko yung pari. at gaya ng mga pinoint out mos a Bible, agree din ako dyan, esp. sa Adam and Eve story.
also, hindi ka masusunog dahil nagmahal ka ng same sex. i should know. i’ve been to hell e. puro straight karamihan ng andun. haha! JK.
LikeLike
Mahaba kc talagang usapin ang religion, kaya, walang hanggang usapan ito kung sasagot ako isa isa sa mga tanong nyo ni pareng sankagesteno hihi. Kung ako lang ay laging may net eh tuloy ang ligaya. haha. Kaso waley eh. hihi
Di ko kayo masisisi, dahil karamihan sa inyo, nagising na sa katoliko. NI hindi nyo nga kayang magtanong sa Papa sa Roma, o kahit sa pari nyo para sabihin yang mga tanong nyo.
Odee, di ka naman impyerno kaagad, kung inlove ka lang. Ang sunod lang naman na tanong dun, paano mo yun hina-handle? Ikaw na makakasagot nyan.
Saka, ang dami mo kamong tanong, eh may pinagtanungan ka ba? Naghanap ka ba talaga ng sagot? Frankly? Or you’re just keep wondering.
Hope you’ll find answers. Huwag lang puro tanong, hanap din ng sagot pag may time. Efeso 5:17. Huwag tayong tanga. Sa kapangahasan natin ng pananalita, nasasaktan natin ang Dios na nagbigay sa yo ng buhay. Kung alisin kaya ng Dios yang mata mo, at yang kamay mo? O kaya bigla tayong mawalan ng kabuhayan? May maipagmamalaki ba tayo sa Dios? Esp. to you, sankagesteno? WALA KANG KWENTA pag wala sya. Ganon tayo ka-hopeless pag wala ang Dios.
Hindi naman masamang magtanong eh, pero yung manguwestyon? Grabe, sino naman tayo? Roma 2:1
Well, ang naghahanap ng sagot, surely, makakakita.
Ang swerte ko, may napagtatanungan ako, yun kasi utos sa biblia: ANG MAGTANONG Jeremias 16:16
Kanino magtatanong? Hagai 2:10
Sana mahanap nyo rin yung napagtanungan ko. ^_^
Good luck. Grabeng saya ko siguro, kung makita kong magtanong si pareng sankagesteno sa pinagtatanungan ko. hohoho. Sabi ko nga, matalino naman sya, baka mahanap nya rin. hohoho. Kaso busy sya eh. Baka pagka natapos na yung pagiging bitter nya.. haha. Peace^_^V
At sa paghahanap ng sagot sa mga tanong, hindi dapat parang basong puno na ng tubig. Aapaw ka na kasi pagka ganon.
Be open-minded kapag nag-umpisa ka ng maghanap. Isa pa, beware, maraming nakaabang sayo habang naghahanap ka ng sagot. 1Juan4:1
Pano, kitakits. Sige ^_^ #seeUaround
LikeLike
hindi ako WALANG KWENTA kung wala ang Diyos. Ikaw ang nakikita kong mawawalan ng kwenta oras na mawalan ng Diyos. I’m okay, don’t worry about me. Also, be open minded. #sige
LikeLike
I always read your blogs, natutuwa nga ako madalas na malaman ang opinyon mo sa mga bagay-bagay. Kaya ng mabasa ko ito, hay, nalungkot naman ako. But I must accept na may dahilan ka.
Na-curious tuloy ako kung anong religion mo.
And I really hate how you made this ‘prayer’ kung matatawag ngang prayer to, I’m trying to understand what you really feel but hey, you’re so much out of the line to talk that way to God.
How dare you accused God this way.. Kahit pa double meaning tong sinulat mo, o isa tong kabaligtaran ng nararamdaman mo, still, God doesn’t owe us an explanation. At kung bigyan man tayo ng dahilan, we don’t have ANY right to question his reasons.
Nahihiya ako sa mga sinabi mo para sa ‘God’ na tinatawag mo, kasi it seems na wala kang tiwala sa kanya. Sa tingin mo magkapareho kayo ng isip? O baka mas magaling ka ata.
But I feel proud too. Why? Kasi itong ‘God’ na tinatawag mo, walang bitterness. Kung tanggapin ninoman ang sorry ng sinoman, who the hell are we to questioned that?
Una kong naisip pagkatapos kung mabasa to, “Hayst, sana right away, matupad ang wish ng gagong to.” ^__^V
Hehe, pero naisip ko din, if I will pray to God bitterly just like you did, wala akong pinagkaiba sayo. Ayokong mangyari yun.
Nakakatawa dahil hindi ko matanggap tong sinabi mo sa kabila ng agree ako sa lahat ng sinasabi mo sa ibang mga blogs mo. For once, you made me realized na may mararating ka nga sa talino mo. haha..
LikeLike
Salamat sa iyong honest comment, louiza. Hindi kita kilala, pero I appreciate it. Anyway, here’s my take on your honesty.
My religion? Obviously, Kristiyano, pero di ko na s’ya pina-practice. Call me agnostic or humanist or whatnot. Hindi ako nabubuhay para o dahil sa relihiyon.
Next, this is not exactly a prayer, although may pagkakahawig sa format dahil may AMEN sa dulo. Pwede mo rin s’yang tawaging sulat o liham. Or simply blog.
How dare me to accuse God this way? How dare YOU to not accuse him for all the evil in this world. Hindi ako katulad ng ibang tao na tinatanggap lang ang lahat dahil yun ang kalooban ng Diyos. Dahil yun ang nakasulat sa Bible. Ba’t di mo kinukwestyon ang Bible? Dahil perfect sya? Nagbabasa ka ba? Alam mo ba kung gano karami ang masasamang bagay at pangyayari ang nakasulat sa Bible? Basa-basa din pag may time. Oh, btw, hindi ‘to double meaning. Ito talaga ang saloobin ko. Totoo ‘to. Hindi ako ipokrito.
Next, God owes us an explanation, sa maniwala ka man o sa hindi. Yun nga lang, hindi sya nagpapaliwanag. Bakit? Either hindi sya nag-eexist or wala syang pakialam sa mga nilikha nya.
At siguro nga tama ka, na wala na ‘kong tiwala sa kanya. At kasalanan nya yun kung bakit di sya katiwa-tiwala. Trust, like respect, has to be earned. Hindi sya basta-basta pinamimigay na parang candy. Well, kahit candy nga pinagdadamot pa minsan e, tiwala pa kaya? And I must agree: Hindi nga kami magkapareho ng isip. Ang mahirap lang sa diyos, ayaw nyang ipaintindi mabuti yung bagay-bagay, tapos gusto nya magtiwala sa kanya nang lubusan? Wow. But you’re wrong. Mas magaling si God, hindi ako. I never claim superiority to anyone, let alone God.
Who the hell are we to question God? Well, kung susundin ko ang Christian doctrine, tayo lang naman ang kanyang mga nilikha. Don’t we at least have the right to question him/her? Ano, tahimik lang tayo lagi? Bawal tanungin ang Diyos? Bawal magalit sa kanya? Don’t tell me hindi ka pa nagalit sa Diyos o di mo pa sya kinwestyon sa mga nangyari sa buhay mo? Perfect ba buhay mo?
“Sana right away, matupad ang wish ng gagong to”? E di lumabas din ang kulay mo. Well, wish ko for you e sana mapunta ka sa langit. Kahit now na.
Bitter ka kaya mo sinulat ‘tong comment mo. Wag kang magsinungaling sa sarili mo. At ‘wag mo ‘kong ikumpara sa ‘yo. Magkaibang-magkaiba tayo sa pag-iisip at paniniwala. Ang pagkakamukha lang natin, mamamatay din tayo sa huli.
Sabi mo agree ka sa ibang mga blog ko? Tapos isang blog lang na di ka mag-agree, bigla kang magko-comment nang ganito? Ok ka ding “fan” e. Ikaw ‘yung tipong gandang-ganda sa isang perlas, pero nung makakita ng kaunting flaw o dumi, bumaba na ang tingin sa perlas. Not even considering yung pinagdaanan ng perlas para maging ganun sya. Don’t worry, marami kang katulad na ganyan ang ugali at pag-iisip.
And you’re right again. May mararating nga ako sa talino ko. Pero alam kong kahit saan ako dalhin nito, mabuti man o masama, wala akong panghihinayang kasi alam kong hindi ko niloloko ang sarili ko at hindi ako nagpapakahon sa kung ano ang idinidikta ng iba sa akin. At least ginagamit ko yung sarili kong talino, yung sarili kong pag-iisip. E yung iba ba?
Lastly, I do not write in my blog to please anybody, kahit si God pa ‘yan. I write, first and foremost, for myself, sunod na lang ‘yung ibang tao o Diyos o bayan.
Pasensya na napahaba. That’s how much I value your comment.
LikeLike
I still follow your blog. I still want to know your opinion sa mga bagay bagay. I still want to know and watch you kung saan ka dadalhin ng paniniwala mo. It saddens me to know na Hindi mo priority ang Dios.
Alam mo ba ibig sabihin ng gago o fool sa English?
Sabi kasi sa biblia, fool yung mga di naniniwala sa kanya. Awit14:1
Bat naman kita pupurihin sa isang bagay na Hindi kapuri puri.
Sa sagot mo sa akin, naalala ko si senator mirriam sayo. Yung interview sa kanya ni korina. Same principle as yours.
I won’t dare to ask God sa mga nangyayari sa akin, sa yo at kahit sa bayan. On the first place, Hindi na naman nakakabigla dahil nakasulat na nga yun sa bible. Kumbaga, tapos na ang istorya. Nasunod lahat ng nasa Plano ng Dios so why would I even dare to ask Him why?
Sa isang pelikula, writer at director ang masusunod, gaano man yun ka-frustrating sa manonood.
I’m even satisfied about it. That’s how I trust him.
Bitter talaga ako. Haha, bakit Hindi? Kumbaga sa pagkain, kinakain at tinatanggap ko ang mga opinyon mo, kaso pagdating dito, nasuka ako eh. Sa sobrang pait. Sa sobrang bitter mo sa Dios.
Para kang basong puno ng tubig. Na kapag dinagdagan pa ng laman, aapaw na. Kahit naman isa-isahin ko pa yung punto mo, mapapagod lang ako.
Nagcomment ako para aware kang may naging bitter sa post. Muntik na akong maging gaya mo sa pait mo sa buhay. Haha.
Lumabas na ang kulay ko? Hindi ako nakikipagbanalan o nakikipagmagalingan. I have flaws. Unperfect nga ang buhay ko. That’s why I keep believing on Him, kasi kung tanggalin nya lang sandali yung hanging hinihinga ko, I will not live even a single minute.
Ang hirap magtype kasi nakikigamit lang ako ng phone eh. Hohoho ciao!
LikeLike
Isa pa pala, thank you sa pagwish mo na mapunta ako sa langit. Magdilang anghel ka Sana. Hohoho.
LikeLike
very well said. actually, tanong ko yan mula pa noong grade 3 ako. bakit meron pang apple, este fruit of the knowledge of good and evil? anong silbi nun? bakit binigyan pa ng free will kung mapupunta ka rin naman sa impyerno pag me nagawa kang hindi nagustuhan ni lord?? hmm.
LikeLike
wow grade 3? parang laro lang iniisip ko nun a. haha! ang adik mo lang. :))
LikeLike
hahaha! kasi yan yung kasagsagan ng pagsabit-sabit ko sa mga walang patumanggang dasalan sa bahay-bahay bitbit ang estatwa ni virgin mary, kaya ayun, habang nakaluhod at nagdadasal, kung saan-saan napupunta ang takbo ng isip ko.
isa pa ngang naisip ko, naiintidihan ba ng mga kasama kong nanay at lola ang pinagsasabi namin (latin kasi yung iba)? pano kung incantation pala yun ke taning? mga ganun ba.
Kung kani-kanino na ko nagtanong kung bakit meron nga nung punong iyon, kasi nga ang obvious na kapag kinain yun ng tao magkakaroon sya ng self-awareness. at kung ang bible ang susundin natin, dun nagsimulang magkandaleche-leche ang buhay ng tao. so, bakit me ganung puno pa in the first place?
tsaka, bakit pa binigyan ng free will ang tao, kung ang gusto naman pala ng diyos e blind faith, wag kang magdududa sa kanya, na dapat tiwala lang? ano yun, exercise? test lang para malaman kung gaano katindi ang pananalig ng tao? nyek.
hay, ang hirap ibulalas ang mga nasa isip ko sa coherent na pamamaraan..pero type na type ko yang sagot mo ke ate jan sa itaas. naniniwala ako jan.
LikeLike
exactly my point as well. magkakasundo tayo. 😀
LikeLike