Which Pinoy Newsmaker Are You?

by Sankage Steno

Limang tanong. Limang kasagutan.

Madali mo lang malalaman kung sinong Pinoy newsmaker ka sa totoong buhay. Mangyari lamang na sagutan ang mga sumusunod na katanungan, isulat sa papel at iwasang mag-scroll down nang malala para hindi mo makita ang susunod na tanong o ang resulta.

LET’S PLAY!

-o-

1. Nagising ka isang araw at nakita mong wala nang buhay ang alaga mong pitbull. Ano ang masasabi mo bilang pamamaalam sa iyong aso?

a) Kasalanan ‘to ng dati mong amo.
b) I invoke my right.
c) I am sorry.
d) Salamat, kaibigan.
e) Wow, ulam.

-o-

2. Nagkaroon ng mandatory blood drive sa pinapasukan mong kumpanya. Bago makapag-donate ng dugo, tinanong ka ng screening committee kung kailan ka huling nakipagtalik. Ano ang isasagot mo?

a) Never. Virgin pa po ako.
b) Teka, kelan ba ‘ko naospital? Dinugo ako nu’n e.
c) Sorry, I can’t remember.
d) Sa kaninong babae ba?
e) Counted ba ‘yung masturbation?

-o-

3. Habang naglalakad sa loob ng mall, may nakita kang P500 sa daan na walang ibang nakapansin. Ano ang gagawin mo?

a) Dadamputin ko at ipagtatanong sa paligid kung may nawawalan ng pera, pero di ko sasabihin kung magkano.
b) Ibubulsa ko at ido-donate sa iba’t ibang foundations.
c) Itatago ko at ide-deposit sa Swiss account ko.
d) Kukunin ko at gagastusin sa bar at sa videoke kasama ang aking barkada.
e) Ipambibili ko ng whitening soap, tapos ‘yung sobra ipambibili ko ng flashlight para hindi ako nauupuan sa sinehan.

-o-

4. Nagka-brownout bigla isang gabing malakas ang ulan. Ano ang gagawin mo?

a) Tawagan ang Meralco, ngayon din!
b) Okay lang. Bubuksan ko na lang ‘yung generator namin.
c) Ipapapatay ko ‘yung mga kapitbahay naming jumper.
d) Hihipuan ko ‘yung mga babae sa kwarto.
e) Laro tayo ng taguan!

-o-

5. May costume party kang aatenan. Sino o anong character ang isusuot mo?

a) Hodor!
b) Si Charice.
c) Tinatanong pa ba ‘yan? Thumbelina.
d) Syempre si Panday. O Captain Barbell kaya?
e) White lady. Pangarap ko ‘yun e.

-o-

Tapos na! Bilangin kung aling titik ang may pinakamarami mong isinagot. Tingnan ang resulta sa ibaba para malaman kung sino kang Pinoy newsmaker.

-o-

RESULTS

Mostly A: Ikaw si…

Pangulong Noynoy Aquino

Mostly B: Ikaw si…

Ginang Janet Napoles

Mostly C: Ikaw si…

Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo

Mostly D: Ikaw si…

Senador Bong Revilla

Mostly E: Ikaw si…

Senador Nancy Binay

-o-