Isang tasang kape

by Sankage Steno

May bagong fad ako ngayon. Fad talaga? Oo, feeling ko it’s just a phase. Baka sa isang linggo e wala na ‘tong kaweirduhan ko. Pero sana tumagal pa s’ya. Ang lagay kasi, lagi na ‘kong umiinom ng kape ngayon… sa gabi… bago matulog.

‘Yun kasi ang effect sa ‘kin ng kape, inaantok. Or baka dahil sa mainit na iniinom ko kaya ako inaantok? Hindi ko masabi. Basta ‘pag umiinom ako ng kape, mas madali akong makatulog. Adik lang ‘no? Minsan talaga nagdududa ako kung ‘yung pagiging non-conformist ko ba is a choice o genetic? Not much of a nurture but nature talaga sa core nito.

Sinong gago naman ba ‘yung iinom ng kape para makatulog, di ba? Well, mukang ako lang ‘yung gagong ‘yon.

Actually, hindi ako mahilig magkape. Nu’ng bata ako, lagi akong umiinom kasi pinagtitimpla ako ng nanay (lola) ko bago pumasok sa school. Instant coffee, ‘yung Nescafe, ‘yung maasim sa lalamunan at minsan pati sa tiyan. Pero tinigilan ko na nu’ng bandang high school hanggang sa nawala na ‘yung habit ko ng pag-inom ng kape sa umaga.

Ta’s eto bumalik. Pero sa gabi!

Wala naman sigurong masama kung gabi ko s’ya iniinom no? E kung sa inaantok talaga ako e, mapagsasabihan ko ba ‘yung katawan ko? Parang pag-ibig lang ‘yan e. “Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito.” Gatas.

I mean, leche.

Pero ansarap lang kasi talaga, lalo na ngayong maulan. Kanina nga e, dito sa bahay, habang umiinom ako ng kape, humahangin nang medyo malakas. ‘Yung combination, da best! Malamig na hangin, mainit na kape sa kanang kamay, tapos magandang libro sa kaliwa. Heaven. Not that I believe in it. Pero, you know what I mean. O sige, orgasm. Ayan, mas realistic.

Ang sarap kasi you have the best of both worlds, ‘yung malamig at mainit, sabay mong nararamdaman. Astig kaya. Parang ‘yung kombinasyon ng pain and pleasure kapag nag-aano ka. ‘Yung ano nga… um… kapag, ano… nag-aano ka. Basta ‘pag ano, ‘yun na ‘yon.

Like kape’t gatas. Black and white. Good and bad. Yin and yang.

Maybe that’s the reason kung bakit nagkakape ako sa gabi. Dalawang opposites. Dualism. So ang effect n’ya, sa halip na lalo akong magising, e nagiging pampatulog ko pa s’ya. And here I am making a case over nothing. Dahil d’yan, another cup for the bed time.

Tara, kape tayo.

https://www.google.com.ph/search?q=kape&es_sm=93&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ei=AACrU66IBcm4uAT5nYKwBg&ved=0CAgQ_AUoAQ&biw=1024&bih=499#q=cup+of+coffee+at+night&tbm=isch&facrc=_&imgrc=0ul5VLX-GnAFMM%253A%3B2MMImjPM43IB5M%3Bhttp%253A%252F%252Fwallpaperswide.com%252Fdownload%252Fcup_of_coffee-wallpaper-1440x1080.jpg%3Bhttp%253A%252F%252Fwallpaperswide.com%252Fcup_of_coffee-wallpapers.html%3B1440%3B1080

Advertisements