Humanda ka sa digmaan

by Sankage Steno

Kasi nagtatayo na ng airstrip/military base ang China sa isa sa mga pinag-aagawang pulo/teritoryo sa West Philippine Sea, so technically, hudyat na ‘yon ng isang digmaan. Bakit ka naman magtatayo ng base mo, di ba? Dalawang dahilan, para protektahan o depensahan ang sariling bansa o para atakihin ang mga kalabang bansa. Alin sa dalawa.

At dahil China ang pinag-uusapan natin laban sa mga lamok na kaaway nito (Vietnam at Pilipinas), malamang ‘yung pangalawang dahilan ang dahilan. Hindi naman mahirap paniwalaan ‘yon, hano.

Pero di lang naman China ang “naghahanda.” Ilang frigate na ba ‘yung nabili ni P-Noy? Dalawa? Ilang helicopter na rin ‘yung nadagdag sa Air Force natin? Ilang mga pandigmang sasakyan pa ang darating? Alam kong lamok lang ‘to kumpara sa dragon ng China, pero pinapakita rin nating handa tayong dumepensa at umatake kung kinakailangan.

It goes without saying na nahaharap tayo (kung di pa man nagsisimula) sa isang maliit na version ng World War II.

Hindi lang naman kasi ‘to bangayan ng dalawang bansa. Kasama rin dito ang Vietnam, Japan at Korea. Syempre, kapag inatake ng China ang alin sa mga bansang ‘yan, maoobligang rumesbak ‘to, at sigurado akong magsasama sila ng kakampi. Sino ba ang numero unong kakampi ng mga bansang ‘to, kasama na rin ang Pilipinas?

U.S. of A.

Pero di lang ‘yan. Pwede ring makigulo ang Australia na alam kong kumakampi na rin sa atin. Sigurado rin akong may makakatulong ang China kung sakaling magtawag tayo o magsumbong sa mas malakas nating mga kakampi. Pwedeng umanib sa kaaway natin ‘yung North Korea at Russia, parehong may kakayahan sa nuclear warfare.

Kung conventional war lang din ang labanan, siguradong talo na tayo. I mean, tayong mga Pilipino. Pero we can learn from Vietnam’s experience na tinalo ang U.S. noon. Pa’no nila nagawa ‘yon? Bukod sa katangahan ng U.S., gumamit ang Vietnam ng ‘unconventional’ warfare.

Sa madaling salita, guerilla tactics.

Hindi ako expert sa ganito, pero alam kong pwedeng mapataob ng maliit ang malaki. Kayang matalo ng mahina ang malakas. Kayang bwisitin ng lamok ang dragon. Kaya n’ya ‘tong puntiryahin sa kanyang kahinaan.

Hindi ko naman sinasabing officially e magdeklara ng digmaan. Mahirap ‘yon. Hindi magandang gawin lalo pa’t papaganda na ‘yung ekonomiya natin. Hindi rin biro ‘yung mga patayan at pahirapan sa buhay. Ngayon kausap mo ‘yung mahal mo sa buhay; after a split second, paa na lang n’ya natira, o kamay mo na lang ang meron ka. Di biro ang digmaan, pramis.

Kung kagimbal-gimbal na ‘yung nangyari noong WWII, pa’no pa ngayong mas high-tech at mas deadly ‘yung mga armas ng mayayamang bansa?

Nakakatakot. Pero dapat na rin tayong maghanda for the worst.