Double Stuf

by Sankage Steno

Nauulol, parang gano’n. Iniisip ko pa lang, naglalaway na. Biruin mo, para lang mapagbigyan ‘yung paglilihi ko kanina, ginoogle ko pa ‘yung picture n’ya. Hindi ko man makuha agad-agad, at least nakikita ko ‘yung itsura n’ya. Ginamit ko lang s’yang motivation para tapusin ‘yung mga dapat kong tapusin sa trabaho. In fairness, tumalab naman.

Kaya nu’ng uwian na, para akong batang nagmamadaling makasakay ng bus para makauwi at makabili ng Oreo. But not just any ordinary Oreo ha, ‘yung Double Stuf dapat. Yup, single ‘f’ lang talaga. ‘Wag mo na kasing ipilit. Sa ‘yan lang ang nakayanan nila e, anong magagawa ko?

Lam mo ba? Hindi pa nagsisimula ‘yung How to Train Your Dragon 2, napangalahati ko na agad s’ya. Akshuli, kaya ko s’yang ubusin within 5 minutes, pero nagtimpi ako. Can you imagine the torture? Nagtimpi akong huwag ubusin ‘yung isang pack ng Oreo Double Stuf para may manguya ako kapag nagsimula na ‘yung pelikula. How twisted is that?

Well, I twisted it, ta’s kinain ko ‘yung isang cookie without the stuff, then ‘yung natitirang kalahati na wala nang takip, maingat kong biniyak sa gitna at saka pinagpatong. Ang resulta: Double Double Stuf! (Please see photo below for your reference.)

Alam ko kasi may Mega Stuf sa ibang bansa, pero wala pa ‘kong nakikita dito sa Pinas. Siguro sa S&R meron o kaya sa Puregold sa Subic. E Mercury Drug lang kasi ang binibilhan ko. Hanggang Double Stuf lang ang inii-stock nila. Pero ayos na ‘yon. Baka mamatay agad ako sa sobrang dami ng asukal sa katawan ko. Pota. Kasalanan ko bang may sweet tooth ako?

So habang lumilipad sina Toothless at Hiccup, para rin akong nililipad sa sarap ng kinakain ko. Alam mo ‘yung sinisimot mo pati ‘yung mga tinga, este, tira-tirang cookie na nanuot sa sulok-sulok ng ngipin mo? Pipilitin mong alisin s’ya gamit ang ‘yong dila. Ta’s ‘pag natanggal na, kakainin mo ulit? Ganu’n s’ya kasarap. Kadiri lang ngang ilarawan ‘yung proseso, pero alam kong alam mo ‘yung tinutukoy ko.

‘Wag kang magmalinis. Alam kong kumain ka na rin ng tinga at one point in your life.

Now ‘wag mo namang isiping puro gluttony lang ‘tong isusulat ko. May moral lesson ‘to. Ipipilit kong lagyan ‘to ng aral sa dulo for the sake of my immature readers. Lam mo kasi, eating Oreo teaches me a lot of things. Unang-una na d’yan e ‘yung pagiging masaya sa maliit na bagay. Alam kong hindi ako nasisiyahan sa normal Oreo, but I still consider Double Stuf as a little thing, so STFU!

Pangalawang moral lesson, kapag kumakain ako ng paborito kong biskwit, para akong bata. It keeps me young. And it will probably keep me young forever, kasi papatayin agad ako ng diabetes kapag di ko pa tinigilan ‘tong pagkain ko ng matatamis. Ergo, it reminds me of my dear mortality.

Let me put emphasis to that. Ganito lang kasi kasimple ‘yan—eating Oreo Double Stuf reminds me that life is short, so get what you really, really like and own it. In my case, eat it!

Oreo Double Stuf