To teach or not to teach

by Sankage Steno

Pinapabalik ako ulit para magturo. 3 units lang naman, isang subject. About technical writing yata. If ever, first time kong ituturo ‘yon. Ang mga courses na tinuro ko kasi dati e Basic College English, Basic Research, Business English at Technical Communication. Saka World Literature pa pala, one term. Mas specialized ‘yung gustong ipahawak na kurso sa ‘kin sa darating na term. Mas challenging ituro.

Gusto ko naman. Gustung-gusto, actually. Kahit pa maliit lang ang sweldo, kukunin ko. Ang problema ko lang, bawal rumaket sa trabaho ko ngayon. Ikalawa, ang layo ng opisina ko du’n sa pagtuturuan ko. Imagine, Makati tapos Intramuros, tapos Mandaluyong ‘pag uuwi na ‘ko. Patayan ‘yon lalo na kung thrice a week. Kung sa Makati lang din sana at kung weekend, pwedeng-pwede.

Iba kasi ‘yung pakiramdam ko kapag nagtuturo. Mahirap s’ya, pramis. Pero nae-enjoy ko ‘yung hirap na ‘yon. Ikaw ba naman ang magbasa at mag-check ng sangkatutak na papers araw-araw. Buti sana kung award-winning ‘yung mga sina-submit ng estudyante.¬†Winner sa katatawanan, pwede pa. Pero enjoy ko ‘yon. ‘Yun ang kaisa-isang reklamo ko sa pagtuturo na ayos lang talaga sa ‘kin—ang mag-check ng papel.

Kapag nagtuturo kasi ako, masaya akong may kabatuhan ako ng ideya. Gustung-gusto ko kapag sinasagot ako ng estudyante. Fine, kahit ipamukha pa n’yang mali ako sa opinyon ko. I appreciate that, sobra. Lagi ko rin kasing sinasabi sa kanila, “Correct me if I’m wrong. I don’t have a monopoly of knowledge in this room.”

Pinakamasaya kapag nagkakabiruan, lalo na kapag may magulong estudyante, yung joker ba. ‘Yung class clown. Kung wala naman, I try my best to take that role. Medyo may pagka-Big Bang Theory nga lang ‘yung jokes ko. Pero sanay din naman ako ng barahan a la Vice Ganda. Gusto ko nga ‘yon e, lalo na ‘pag may malapit nang mapikon. Oops.

So, ayun. Isang subject lang ang ituturo ko, tapos ang layo-layo pa n’ya sa office (bukod pa sa bawal). Ang daming kontra. Ang nakikita ko lang na positive sa pagkuha sa kanya e… um… well… gusto ko lang talagang magturo. Period, no erase.