Pakapalan ng Mukha

by Sankage Steno

Of course naman, hindi ako pabor sa bullying o cyber-bullying, pero pabor ako sa selective bullying/cyber-bullying. And before I present my case, gusto ko lang sabihing fan ako ni Mo Twister. Ergo, sinusuportahan ko s’ya sa Twitter war n’ya against Jinggoy’s kids.

Gusto ko si Mo kasi he speaks his mind at wala s’yang pake kahit sino pa makabangga n’ya, be it a ‘normal’ person o some celebrity or politician. Iniidolo ko s’ya for that. Secondly, may sinabi s’ya noon sa radio program n’ya na talagang napaisip ako at napa-agree. Sabi n’ya, “Public servants (meaning ‘yung mga pulitiko at nagtatrabaho sa gobyerno) should enroll their kids in public schools.”

Couldn’t agree more.

Now back to the Twitter war. I know maraming galit kay Mo dahil matabil ang dila n’ya at walang preno. Maraming nagsasabing clear case ito ng bullying, lalo pa’t minors ang kalaban n’ya. I agree with them, pero I also agree sa public shaming, lalo na sa mga corrupt public officials and their friends and family. Isa pa, ano na lang ang mangyayari kung huhulihin si Mo at ikukulong dahil sa tweets n’ya? Ano na lang ang sasabihin ng mga “kontra” sa kanya kapag dine-activate ‘yung Twitter account n’ya?

For sure, sasabihin naman ng mga aktibista: Freedom of speech!

See? Damned if you do, damned if you don’t. It’s a catch-22 situation. So, what better else to do? E di be true to yourself and say what you wanna say. It’s not like walang basehan ‘yung sinasabi ni Mo. Malinaw naman ‘yung ebidensya laban kay Jinggoy, at kitang-kita naman ‘yung pagdi-display ng karangyaan ng mga anak n’ya, habang ang karamihan ng mga Pilipino ay naghihirap.

Sasabihin mo, e di naman kasalanan ng mga anak ‘yon.

Nope, you’re wrong. Kasalanan man nila o hindi. Mapatunayan mang nagnakaw talaga o hindi si Jinggoy, mali pa rin ‘yung ginawa nilang pagbuyangyang ng kayamanan nila sa social media, and they deserve the public opinion for doing that, at least. Kung siraan sila o punahin, wala silang magagawa. Pinost nila ‘yon e. Tanga mo na lang kung iisipin mong lahat ng tao ila-like ‘yun o pupurihin ka.

What’s more, at eto pa gusto ko kay Mo, backed by logic and facts ‘yung mga pinagsasasabi n’ya. Equipped with reason and, well, legalese. He pointed out RA 6713, particularly Sec. 3(g) and Sec. 4(h). Click the link to see what Mo’s saying, at kung bakit ganu’n na lang ‘yung galit n’ya sa mga anak ni Jinggoy.

To be honest, dapat ganu’n din ‘yung galit natin sa mga pulitiko nating magnanakaw, pati sa mga kaibigan at pamilya nila. E kaso, hinde. Mapagpatawad tayo, maintindihin, pasensyoso at malilimutin. Impak, balak ngang bumalik ng mga Marcoses sa Malakanyang, and I wouldn’t be surprised kung mangyari ‘yon. Maraming Pinoy ang ganu’n katanga.

But before that happens, sasamahan ko na si Mo sa pambu-bully sa mga pulitikong ‘to at mga kaibigan at kapamilya nila—damay na rin ‘yung mga bobong siraulong tangang Pilipinong sumusuporta sa mga salot ng lipunan.