Totoong Job Interview

by Sankage Steno

Isa sa mga naghasa sa aking magsinungaling ay ‘yung mga HR personnel ng iba’t ibang kumpanyang inapplyan ko ng trabaho. Dahil sa mga tanong nilang mapanghusga at nakaka-bore at nakaka-intimidate tuwing may job interview, natutunan kong mag-imbento, maging exaggerated, pagandahin ang imahe at magsabi ng, well, hindi totoo.

So here’s a version of what I would have said talaga sa isang honest job interview. No frills. No nonsense. Just the truth(?).

Job Interviewer: Describe yourself.

Sankage Steno: Physically? Matangkad, hindi panget, singkit ang mata, madilaw ang balat. Emotionally? Unstable. Minsan masayahin, minsan worrier, minsan depressed, minsan moody. Tao ako kaya normal lang na maramdaman ko ang lahat ng ito. Mentally? Above average. Minsan genius. Pero minsan tatanga-tanga din, lalo na sa love.

JI: Why did you apply here?

SS: E wala akong trabaho. Tanga lang? Kung may trabaho ako, hindi ako mag-aapply dito. Pero kung ang tinatanong mo e kung bakit sa kumpanya ninyo ako nag-apply, ang sagot ko e alin sa mga sumusunod: may kakilala ako dito, malaki ang sweldo, malapit sa bahay ko,  may crush akong dito rin nagtatrabaho, hindi s’ya stressful masyado, o all of the above.

JI: Speaking of stress, how do you handle it?

SS: How do I handle stress ba kamo? How do I handle stress?! Eto! Nilalabas ko sa blog ko lahat ng galit ko. Kapag di pa sapat ‘yon, kumakain ako ng masasarap na pagkain. Umiinom ako ng alak. Nagpapakalasing. Naninigarilyo. Nagbibisyo. Lahat-lahat. Pwera lang droga. Pero ‘pag wala akong pera, nagsusumbong na lang ako sa mga kaibigan ko o sa mama ko.

JI: Tell me, what do you do in your spare time?

SS: I don’t wanna talk about masturbation. Este, ibig kong sabihin, syempre ine-entertain at pinapasaya ko sarili ko. Minsan masaya na ‘ko sa pagbabasa lang ng libro o pakikinig ng music. ‘Pag may budget, kain sa labas o malling, nood ng sine, bili ng bagong damit o sapatos. ‘Pag may pera at time pareho, nagta-travel ako. Mahilig din akong maglaro ng computer. Dota, ‘yan. Pero ‘pag wala akong pera o konti lang ang time o tinatamad akong lumabas, eto, nagsusulat.

JI: Why should we hire you? What is your edge over other applicants?

SS: Dami namang tanong. Bakit n’yo ko dapat i-hire? Kasi naghahanap kayo ng empleyado, libre ako. Qualified din naman. Anong problema? Pinapahirapan n’yo pa kasi sarili n’yo e. ‘Wag ganu’n. Damay pa ‘ko. Anong edge ko kamo sa iba? Malay ko! Hindi ako ang nag-iinterview sa ibang aplikante, kaya di ko alam kung sa’n sila graduate, kung ano personality nila, saka kung ano set of skills and experiences nila. Ikaw! Ikaw ang nag-aasikaso sa mga aplikante. Ikaw ang makakasagot n’yang tanong mo. Bobo lang.

JI: How do you see yourself 10 to 15 years from now?

SS: Probably dead. Di natin alam, di ba? Baket, Diyos ba ‘ko? So minsan nakikita ko talaga ‘yung sarili kong nakahiga sa ataul at di na humihinga, gano’n. Pero gusto ko talagang mabuhay pa nang matagal, tapos hindi naghihirap. Ayokong yumaman. Sana may trabaho, syempre. Pwedeng dito sa kumpanya n’yo kung tatanggapin n’yo ‘ko at kung maganda pasahod. Sana rin hindi asshole ang boss, ganyan. Pero madalas, wala. I don’t think much of the future. Is that bad? Kung nabubuhay lang ako sa kasalukuyan?

JI: How much is your expected salary?

SS: P1M! Isang milyon per day. Kaya n’yo? Syempre hinde. Hindi ka papayag na mas malaki sweldo ko sa ‘yo o sa boss mo. Ba’t tinatanong mo pa? Isa lang ang sagot d’yan: negotiable. Gusto ko talaga milyones, pero kung ano lang kaya n’yo, go. Say it. ‘Pag mababa, saka ko sasabihin ‘yung pwede sa ‘ken. Andaya n’yo rin e. Tatanong-tanong kayo, ta’s ‘pag malaking halaga sinabi ko, ansama ng iisipin n’yo sa ‘kin. Di n’yo na ‘ko iko-consider. Next time kase, sabihin n’yo na ‘yung range ng kaya n’yong ipasweldo para di nasasayang oras natin pareho.

JI: Thank you. We’ll just give you a ring if you’re chosen for the job.

SS: Ay, wala ‘to. Tangina.