Cool daw ako

by Sankage Steno

I heard it again (or read, to be precise). May nagsabi na namang “cool” daw ako. Well, unang-una, I’m flattered. Maraming salamat. Pangalawang-pangalawa, I don’t know exactly what you mean, pero ‘wag mo sanang husgahan ako base sa mga nababasa mo lang dito sa blog ko, hano. Alam kong positibo ‘yung pakahulugan mo sa pagsasabing cool ako, pero that’s still judgment, at di ka nakakasiguro d’yan sa pang-uring ‘yan kung akma talaga sa akin.

Kung sa tingin mo e cool ako dahil sa mga pinagsasasabi ko rito, hindi kita masisisi. Kagagawan ko rin naman kung ba’t humantong ka sa ganyang impression sa ‘kin. To tell you the truth, in real life, may kalayuan ako sa persona ko rito sa blog ko. And that’s not entirely surprising. Isa sa core competencies ko ang pagsusulat, kaya nakakagawa ako ng iba’t ibang persona dito.

Minsan conyo, minsan self-righteous, minsan komedyante, minsan political analyst, minsan loser, minsan lover, minsan jologs, minsan pa-cute na single na hindi pa nakakatikim ng unang halik, at minsan e genius na kala mo kung sinong alam ang lahat ng misteryo sa buong kalawakan—daig pa si Shaider… kung kilala mo pa s’ya.

Shet, lumalabas edad ko. (Like I care.)

Ang punto ko: Baka kung makilala mo ‘ko sa labas ng blog ko e ma-disappoint kang hindi pala ako cool. At hindi rin ako magugulat kung maisip mo bigla na hindi nga ako cool.

Sa totoo lang kase, boring din ako sa totoong buhay. Di mo ba naisip na baka sa mga sinusulat ko lang ako exciting kasi dito ko lang nailalabas ‘yung mga pangarap ko o repressed wishes? Parang panaginip. Dito ko tinutupad ‘yung mga di ko magawa o maging sa totoong buhay. Parang ‘yung mga gamer na hayok sa nilalaro nila sa computer dahil mas malakas o matalino o accepted sila sa virtual reality. Gets mo?

Hindi rin ako madaldal sa real life. Baka ‘pag nag-EB tayo, magulat ka na lang kasi wala akong masabi sa ‘yo, ta’s magtataka ka kasi dito sa blog sobrang daldal ko. Ang dami kong sinasabi. Parang ang dami kong alam. Well, sorry to burst your bubble. Iba ang writing sa oral communication. May mga taong mas bihasa sa pagsusulat kesa pagsasalita, and vice versa.

Kaya pangungunahan na kita. Sana ay makuha mo sa iyong isip na intindihin at sa iyong puso na tanggapin ang susunod kong sasabihin. Don’t expect na cool din ako sa totoong buhay. Just don’t. Dahil ang totoo n’yan, ayoko mang aminin sa sarili ko, hindi talaga ako cool…

I’m hot.

Advertisements