Prepared pala ha

by Sankage Steno

First, let’s give credit where credit is due. Salamat sa PAGASA dahil tama at sakto ang prediction nila sa bagyong Glenda. Tama ‘yung projection nila, kung sa’n nila sinabing dadaan ‘yung bagyo, du’n nga dumaan, at timely rin ‘yung pagbibigay ng signal sa mga lugar na apektado. Of course, salamat din sa local government units na naghanda nang husto at nilikas ang mga tao sa danger zone whether they liked it or not. Kudos.

Now think about this. So far, habang sinusulat ko ‘to, hindi bababa sa 38 “pa lang” ang naitatalang namatay dahil kay Glenda. Pinakamarami sa CALABARZON na may 22 patay. Hindi natupad ang pangarap ng pamahalaang “zero casualty” pero konti pa rin ‘to kumpara sa mga nabiktima ni Ondoy at Milenyo. Not bad, di ba?

Nawalan din ng kuryente sa buong Metro Manila at maraming probinsya sa Luzon. Naibalik ang kuryente sa amin kagabi (or kanina), madaling-araw na. Ngayon naman, dito sa Makati, brownout. Pero may generator naman kaya tuloy pa rin ang trabaho. Hindi pa rin totally paralyzed, partly lang. Maraming restaurant at business ang hindi makapag-operate dahil walang kuryente. Nahirapan tuloy akong kumain kaninang lunch time.

Pero okay pa naman. It’s not so bad pa rin.

Sabi ng Meralco, magkakaroon daw ng three-hour rotating brownout sa Metro Manila at Bulacan. So that explains it.

On the surface, at kung ikukumpara kay Ondoy at Milenyo, mukang natuto na nga tayo. But let’s not compare Glenda with these “guys.” Ikumpara natin s’ya sa kabaro n’yang si Yolanda on a more “technical” aspect. Also, let’s use a hypothetical situation. Kunwari, sa Metro Manila dumaan si Yolanda. Ipapakita ko sa inyo ang paglalarawan.

Si Glenda ay may dalang hangin na ang bilis ay 150kph tops at may bugsong umaabot sa 185kph. Sobrang lakas nu’n. Maraming napatumbang puno at nasirang building dito sa Ayala, sa may BGC at sa may Eastwood, mga prime spots dito sa Metro Manila.

Si Yolanda naman ay may dalang hangin na ang bilis ay 235kph at bugsong umaabot sa 275kph.

Tignan mo ‘yung pagkakaiba nina Glenda at Yolanda.

Kung si Glenda ay nakapatay ng hindi bababa sa 38 na tao, pinaralisa ang Metro Manila kahapon at partly ngayon, pa’no pa kaya kung si Yolanda ‘yung tumama sa ‘tin? Obviously, mas malaki at mas matindi ‘yung magiging pinsala. At kung mamamatay pa ‘yung mga dapat sana e tutulong sa ‘tin gaya ng nangyari sa Tacloban, a taste of the apocalypse na talaga ‘to.

Ang gusto ko lang sabihin, naghanda na nga tayo’t lahat, may 38 pa ring namatay at nawalan pa rin ng kuryente buong araw, ta’s hanggang ngayon pawala-wala pa. Pahirapan din humanap ng pagkain gaya ng naranasan ko kanina. So pa’no pa kung Yolanda level ang tumama sa Metro Manila sa ganitong klaseng “paghahandang” ginawa natin?

Hindi malayong magkaroon din ng looting o nakawan dito. Hindi rin ako magugulat kung pansamantalang magkaroon ng anarchy o kawalan ng pag-iral ng batas.

Naghanda na tayo nu’ng lagay na ‘yan kay Glenda, pero kulang na kulang pa rin kung ihahambing sa isang supertyphoon. Kahit ako, aminadong kulang na kulang ‘yung paghahandang ginawa. Akala ko natuto na ‘ko. Buti nalampasan ko ‘tong bagyong ‘to. May chance pa sa susunod, dahil siguradong may susunod—at mas matindi pa.

Glenda-Typhoon-Damage-Metro-Manila-Pics-Eastwood-Megaworld-GlendaPH-WhenInManila-Philippines-12