MH17 + Buk

by Sankage Steno

Limang buwan pa lang ang lumilipas mula nang mawala ‘yung Malaysia Airline flight 370, isang eroplano na naman nila ang nasuong sa trahedya. This time, pinabagsak ng isang missile ‘yung lipad mula Amsterdam patungong Kuala Lumpur. Sa Ukraine nangyari ang insidente. Ngayon kung wala kang pakialam sa nangyayari rito, I suggest simulan mo nang makialam.

Sana ko na isusulat ‘yung mga pwedeng mangyari sa mundo kapag pumasok na ‘yung ibang impormasyon sa balita. Pero to give you a taste of it, kung involved ang Russia at Ukraine, at ang napakaraming nationalities na namatay, di malayong magkaroon ng mas malaking gulo. In addition, ilan sa mga namatay ay may malalaking tungkulin. Kung tama ang isang datos ko, lead researcher daw ng AIDS ‘yung isang biktima.

Tatlong paksyon ang nagtuturuan sa kung sino ang may kagagawan: isang rebeldeng grupo sa Ukraine (Ito hula ko), ‘yung pro-Russia separatists doon at ‘yung gov’t forces mismo ng Ukraine. Again, wala pang confirmed so malaki ang chance na may mali sa mga sinusulat ko. Pero dahil gutom ako (tayo) sa impormasyon, tinatanggap ko ‘yung kahit anong maliit na makuha ko kahit di pa fully confirmed. Pantawid-gutom lang.

Sa nabasa ko sa Extreme Tech, malaki raw ang posibilidad na Russian Buk missile system ang ginamit para pabagsakin ‘yung MH17. Ano ‘yung Buk?

Ang Buk ay binubuo ng iba’t ibang kagamitang pandigma na kayang patamaan ang kahit anong bagay na nasa target range nito na 22,000 meters (nasa 10,000 meters lang ang lipad ng MH17). Kailangan lang nito ng limang minuto para i-set ang battery at 22 seconds lang para hanapin ang target at tirahin. Ganu’n s’ya kahusay.

Normally, ang Buk missily system ay binubuo ng mga sasakyang kasinlaki ng mga tangke at umaandar na pa-convoy. Merong isang control vehicle, mga sasakyang may multiple target acquisition radar (TAR), mga sasakyang may bitbit na missiles (surface-to-air) at launcher, at ilang auxiliary vehicles. Clearly, hindi lang ‘to isang malaking tangke. Marami s’ya. At super high tech.

Nakakatakot.

I know mali s’ya, pero may kahalong paghanga ako sa mga armas na ‘to. Pero kung iisipin mo din, magkano kaya ‘yung ginastos para sa missile system na ‘to? Ilang milyon ‘yan? At ilang tao kaya ang napaaral, napagamot o napakain ng perang ‘yon kung du’n na lang ginamit sa halip na ipampagawa o ipambili ng Buk? Ang dami-dami talagang mali sa mundong ‘to.