Maligayang bati, Inc.

by Sankage Steno

Isang bonggang-bonggang pagbati sa kaarawan ng isa sa pinakapaborito kong korporasyon sa buong bansa, ang Inc. Grabe, ambilis lang ng panahon. Parang nu’ng 1914, kapapanganak mo pa lang, ta’s ngayon, 100 years old ka na. That’s so amazing! Happy birthday!

Isa pa. Happy 144th birthday din nga pala sa mga kapatid nating Jehovah’s Witnesses. Hindi ko alam kung nagdiriwang kayo ng kaarawan, pero di naman natin maitatago ang edad natin, di ba? Kaya ‘wag na kayong mahiya. Okay lang naman mag-celebrate paminsan-minsan. Para sa’n pa ang araw at buwan kung hindi natin bibilangin, di ba? Ano, lulubog-lilitaw na lang? Sasaradong hukay?

Hindi pa ‘ko tapos. Isang masayang bati rin ang handog ko para sa mga kasamahan nating Seventh Day Adventist. Happy 151st birthday! Ayan a, di ako ininvite last year. Kinalimutan na ‘ko porke hindi natapat ng Sabado ang birthday. ‘Wag ganu’n. Pwede namang gawing Sabado araw-araw para happy kayo lagi. Parang Pasko, pwedeng gawing araw-araw. Di ba? Mali ba ‘ko?

Gusto ko rin nga palang batiin ang mga Mormons na nagdiriwang ngayong taon ng kanilang ika-194 na kaarawan. Ang tanda mo na. Pero, in fairness, hindi halata ‘yung edad n’yo sa mga blonde guys na naglalakad sa kung saan-saang sulok ng Pilipinas. Ang cool din ng shorts nila, parang boy scout na sosyal. Well, sosyal naman talaga kayo. Aminin!

Before I forget, happy 1,392nd anniversary sa mga Muslim all over the world. In fairness, andami n’yo na. Iba talaga kapag isang Diyos lang ang pinaniniwalaan e. So happy for you. At malapit na nga pala ‘yung Eid al-Fitr. Taray. Bago ko pa makalimutan, babatiin ko na kayo: Eid Mubarak!

Of course, makakalimutan ko ba? Happy 2,014th birthday to Christianity! Kayo ba nagpagawa ng kalendaryo? Bakit ‘yung inyo ang sinusunod? Powerful! ‘Yan ang gusto ko sa inyo e, andami-dami n’yong naiimpluwensyahan kahit di kayo gumagamit ng dahas. Hindi nga ba? Silly me. You don’t have to answer. Let’s just pray the holy rosary. Amen.

Wait, there’s more. binabati ko rin ang mga Buddhist brothers and sisters natin na nagdiriwang this year ng kanilang 2,556th birthday. Penge namang moon cake o hopia. Fine, kahit tea lang, ‘yung green. Ano ba ang secret to longevity? To long life? Share n’yo naman. Kailangan ko bang magpakalbo o magpataba? Chos lang.

Happy, happy 3,800th birthday din sa mga Hudyo d’yan. Mabuhay si Yahweh! Si YHWH! Si Jahve! Whatever. Sorry. Di ko talaga ma-pronounce nang tama ang pangalan ni Lord. Maybe I’m really not worthy. Oh, forgive me for my trespasses. Pangako, mas magiging mabuting tao na ‘ko talaga. Um, teka, sa’n nga pala kayo sa Pasko? Bahay lang?

Sa mga tagasunod ni Shiva d’yan, maligayang bati sa ika-9,014 taong pagkakatatag ng Hinduism. Tama ba? Tinatag ba talaga kayo?  Pa’no ba kayo nagsimula? Di bale, di na ‘yon mahalaga. Basta importante, walang discrimination sa ‘tin. Walang caste system. Walang mataas at mababa. Da’t pantay-pantay… Wait, ha? Blasphemy? Nagkakasala ako? Mali ‘yung pinagsasasabi ko? Ay, sorry. Binabawi ko na. Pasensya.

And last but not the least, binabati ko ang mga kapatid kong pagano na nagdiriwang ng kanilang ika-10,000++ taon ngayon. Pa’no kayo nabuo? Meron ba kayong simbahan o gathering man lang? Di ba wala naman? E ba’t ko kayo binabati? Wala naman kayong pakialam pala. Anyway, gusto ko lang kayong kilalanin. Sayang e, kayo yata ang pioneer. Di ko pwedeng palampasin.