Kapus-palad nga, talentado naman

by Sankage Steno

Bakit ba kasi pinaubaya pa ke Cory Vidanes ‘yung pag-announce ng grand champion sa The Voice Kids? Anti-climactic. Walang kalatuy-latoy. Nakakainis.

To be honest, ayoko din naman sa drum roll at bibitinin, pero ‘pag si Ryan Seacrest naman ang nag-a-announce sa American Idol, simple lang din, pero hindi lifeless katulad nu’ng ginawa ni Cory kagabi. Sana pinaubaya na lang n’ya sa mga host ‘yung pagsasabi ng nanalo. (Although hindi ko rin gusto ‘yung pagho-host ni Luis Manzano. Si Alex Gonzaga, okay lang. Mas magaling pa rin ‘yung ate n’ya.)

Anyway, masaya ako’t si Lyca ang nanalo. Congrats! S’ya talaga ang na-foresee kong mananalo, pero si Darren ang mas gusto ko based on talent alone. Silang dalawa talaga ang bet ko. Swerte ni Coach Sarah.

Halos pareho ang platapormang “ginamit” nina Lyca at Mitoy para manalo sa The Voice. Una, syempre, andyan ‘yung talent nila sa pagkanta. Hindi na natin kukwestyunin ‘yon, pero gusto ko lang ulitin ‘yung nasabi na ni Sarah before: Hindi perpekto/malinis ang pagkanta ni Lyca. But that’s beside the point. Ang punto ko, bukod sa talent, kailangan din ang “drama” at “kahirapan sa buhay” para magwagi.

Sabi ko nga, kung talent lang ang labanan, si Darren dapat ang panalo. Kaso hindi e. Botohan ‘to. At ang gusto nating mga Pinoy, ‘yung underdog. ‘Yung kapus-palad. ‘Yung nakaka-relate tayo. Kasi ang gusto natin, magtagumpay ‘yung mga naghihirap—ang makaahon sila. Gusto nating paikutin ang gulong ng buhay na bihira naman talagang mangyari sa totoong buhay.

Pero ngayon nga, dahil sa boto/text ng mga Pilipino, nagawa nilang pagulungin ang kapalaran ni Lyca. Sobrang deserving naman ng bata, in fairness. Andyan ‘yung singing prowess n’ya, plus ‘yung masa appeal at ‘yung makulay n’yang personality. Sa wakas, magkakabahay na sila at makakapag-aral na silang magkakapatid. I hope hindi mawaldas ‘yung perang makukuha nila. And don’t forget, may 20 percent tax deduction ‘yon.

Good luck sa pagha-handle.

Nakikinita ko nang mas magiging sikat na artista si Lyca kesa singer. Wala naman kasing bumibili ng album masyado ngayon. At kung genre ni Lyca ang masusunod, pfft, baka sa videoke lang s’ya bumenta. ‘Yung album, I doubt talaga kung bebenta. Pero nothing to worry, kasi feeling ko ilalagay s’ya ng ABS-CBN sa Goin’ Bulilit. Silang dalawa ni Darlene pwede ro’n.

As for Darren, well, s’ya ang nakikita kong magiging sikat na singer, concert artist at performer. And I think he has what it takes to stay long in showbiz. Gwapo, talented, total performer, mukang mabait naman at, higit sa lahat, tsismis magnet. Bakit? Nagbabadya kaya. So baka in a few years’ time, aamin na rin s’ya sa totoo n’yang pagkatao.

Hula ko lang naman. (Shet, SONA na. Blog ulit ‘to.)