Di ko natanong ke papa

by Sankage Steno

It’s been a long, long time. Sobrang dami nang nangyari sa buhay ko na hindi na-witness ni papa. Nakapasok at nakalabas ako sa UP nang buhay, nanalo ako sa Singing Bee, na-in love nang bonggs for the first time, nabasted at nabaliw pagkatapos, nakapagtrabaho sa no.1 newspaper at sa no.1 TV network sa bansa, nakalibot sa buong Pilipinas, nakapangibang-bansa nang hindi gumagastos. Grabe, so dami. Pero ang pinakamatindi, single pa rin ako.

Tangina mo, Life! Pakyu ka!

Kung buhay pa si papa, siguro iba ‘yung naging takbo ng buhay ko. Baka sa UST ako instead of UP. Baka hindi ako nanalo sa Singing Bee, baka sa Game KNB. Baka accountant ako ngayon at hindi journalist. Baka sa SGV ako nagtatrabaho at hindi sa media. Baka may jowaers na ‘ko.

Gago ka talaga, Life.

At kung buhay pa si papa, marami akong itatanong sa kanya, particularly ‘pag nag-iinuman kami at pareho nang lasing. Ilan sa mga itatanong ko ay ang mga sumusunod:

  • Kelan ka na-devirginize? Kanino?
  • Pang-ilang girlfriend mo si mama?
  • Nagkaroon ka ba ng kabit?
  • Anong paborito mong beer?
  • Bakit masarap ang bawal?

Etchos lang ‘yung huli. Pero why not? Syempre ‘yung tanong ko hindi wholesome masyado ‘no? Ba’t ba? Pake ba nila? E usapang mag-ama nga e. May protocol ba? Sorry kung di ko alam. Wala kasing nagturo sa ‘kin.

Anyway, eto pa ‘yung mga gusto kong itanong na medyo hindi bastos. Medyo lang.

  • Pa’no ko ba titiisin ‘yung boring na trabaho at bwisit na boss?
  • May driver’s license ka ba? Wait, sanay ka bang mag-drive?
  • Ba’t takot kang bumyahe sa barko at eroplano pero ako sugapa sa byahe?
  • Ampon lang ba ako?
  • Meron ka bang sama ng loob sa ‘kin na di ko alam?

Hindi ko masabing close kami ni papa. Sobrang aga kasi n’yang umalis. Ni hindi nga nakuhang magpaalam. Well, I suck at goodbyes naman kaya okay lang. Pero sana nagtagal pa s’ya nang konti para naman mas marami akong memory sa kanya. Ang konti lang kasi e, medyo nawawala na ‘yung iba. Fuck.

Eto pa ‘yung ilang pa-deep na gusto kong itanong ke papa.

  • Proud ka ba sa kung ano ako ngayon?
  • Totoo bang me langit?
  • Makikita pa ba kita ulit?
  • Pwede mo ba ‘kong samahang mag-bike?
  • Laban tayo ulit sa table tennis o?
  • Sino nang bubuhat sa ‘kin ‘pag hinihika ako?
  • Pwedeng payakap saka kiss? ‘Yung manly para di awkward.

I miss you. Happy birthday!