Wet Note

by Sankage Steno

Nagpatugtog kahapon ng Stranded ni Jennifer Paige ‘yung office mate ko kasi pare-pareho kaming na-stranded sa opisina dahil sa lakas ng ulan. Antagal n’yang humupa kaya nagpatugtog s’ya ulit ng Set Fire to the Rain ni Adele. Ayun, kanta-kanta lang kami habang naghihintay. Magpapatugtog pa dapat s’ya ng Tuwing Umuulan at Kapiling Ka ng Eraserheads kaso wala pala s’ya nu’n sa phone.

Kinanta ko na lang sa isip kahit mali-mali lyrics.

E humina ‘yung ulan. Sinamantala ko na ‘yon para umalis at makauwi. Habang naglalakad sa kalgitnaan ng Ayala Triangle, bigla na namang lumakas ‘yung ulan. Pukinenang palaka. Kahit nakapayong ako, nabasa pa rin ‘yung paa ko, ‘yung likod, ‘yung sapatos at medyas, at ‘yung bag. Buti di nabasa ‘yung betlog ko.

Thank God.

Habang iniiwasang mabasa ‘yung betlog ko, kumanta na lang ako ng Through the Rain ni Mariah Carey. Syempre todo-birit ‘yan. Wala namang nakarinig, kahit ako. Anlakas kasi talaga ng ulan. Natatabunan ‘yung boses kong pang-1 million pesos. Hoy, mura lang ‘yon. Kayang-kayang ubusin ni Imelda Marcos ‘yan in 5 minutes. Ako kaya ko lang patagalin ‘yan ng isang taon.

Pagdating ko sa Greenbelt, basang-basa na ‘yung medyas ko, so ‘pag naglalakad ako, may squeaky sound na s’ya. Para akong nag-ipit ng bubuwit sa magkabilang paa. Pero thankful pa rin ako. Tuyo pa rin kasi ‘yung ano ko, ‘yung… alam mo na.

Nagpasya na ‘kong mag-MRT para mabilis. Sabi ko, makikipagbalyahan na ‘ko para makauwi. Ayoko kasing abutan ng hatinggabi sa kalsada. Marami pa ‘kong dapat isulat. Ayun, singit kung singit (not the humid, dark body part). Habang nakapila kasama ang mga kaawa-awang middle class na katulad ko, napapakanta ako sa isip ko ng Basang-basa sa Ulan ng Aegis.

Sa isip lang. I didn’t want to make a scene. Baka ma-discover pa ‘ko. Ayokong sumikat. #Sinungaling

May milagro yata kagabi. Ambilis ng usad ng pila sa MRT kahit masikip, ta’s pagdating ko sa platform, isang tren lang ‘yung lumampas. ‘Yung kasunod, nakasakay na agad ako. Although parang buddy-buddy kami lahat sa loob dahil sa sobrang closeness namin, hindi naman ako nairita. Nakatulong siguro ‘yung pagkanta-kanta ko. Sa loob, kinanta ko naman ‘yung Too Close ng Blue.

Sana talaga nag-grind ako para OOOH!

Me sasampal kaya sa ‘kin? O me susunod kaya? Feeling ko ‘yung pangalawa.

Nakarating ako sa bahay ng 8pm. Maaga ‘yun, sobra. Paglabas ko sa MRT, automatic, napakanta agad ako ng The Journey ni Lea Salonga. Hindi naman kataasan ang boses n’ya kaya kinanta ko talaga. Hinihinaan ko na lang nang todo kapag may ibang taong napapalapit sa ‘kin. Ayoko kasing marinig nila ‘yung ginintuang boses ko. Never, lalo na kung wala naman silang P1 million. I only sing for the money.

#Feelingero