Friday na bukas!

by Sankage Steno

I’m Captain Obvious today, sorry naman. Sukang-suka na kasi ako sa kakatrabaho. Gusto ko nang magbabad sa dagat o umakyat ng bundok o mamapak ng fishball o bumirit sa videoke o makipag-anuhan ke ano, you know.

Ayoko na talagang pumasok, Lorde. Di ko nga maintindihan ‘yung sarili ko e. Nu’ng nag-aaral naman ako, sobrang excited ako lagi pumasok sa school. Gustung-gusto kong nakikita ‘yung mga kaklase ko, ‘yung ibang teacher (not all) at ‘yung mga crush ko. E ngayon? Madalas kinakaladkad ko ‘yung sarili ko papunta sa opisina.

Sanay naman ako sa stress. Di naman ganu’n kasama ‘yung ginagawa ko sa trabaho. Ok din naman ‘yung sweldo. Pero ewan ko ba, iba lang talaga ‘yung katamaran ko ngayon—nanunuot sa buto. Siguro kailangan ko lang ng taong magmamahal sa ‘kin at magtatama ng mga mali ko sa buhay.

Potarages! Sa’n galing ‘yon? Laslasan party na ‘to!

‘Yung tao kasing minahal ko noon, di naman ako minahal pabalik. Hanggang sa, ayun, napagod at sumuko na ‘yung puso kong bugbog-sarado at sugatan. Ang hirap pala ng unrequited love, ‘no? Now I know.

Pota ka, Sankage. Istahp et!

Minsan tinatanong ko… hindi pala. Madalas tinatanong ko ‘yung sarili ko, para kanino ba ‘ko gumigising? Para kanino ba ‘ko nagtatrabaho? Para kanino ba ‘ko nabubuhay? Para ke God? Pfft. Utot ko. Mabaho. Di ba? Seriously, para kanino? Sayang naman ‘yung maikli kong buhay kung wala akong taong mamahalin nang higit pa sa buhay ko. Hindi na ba ulit titibok ‘yung cholesterol-rich kong puso? Baka tumigil na s’ya sa pagtibok any-any. Sige, ikaw rin.

Shet. Ano bang droga nalaklak ko? Ba’t ganito wiring ng utak ko ngayon? Sabi ko naman kasi sa ‘yo, Sankage, tigilan mo na ‘yung paglaklak ng tramadol. ‘Pag sumasakit lang kasi ‘yung ulo mo saka ka iinom n’yan. Hindi dapat oras-oras. Siraulo ka din e. Next time mag-cocaine ka na lang. Isang pill lang, tapos na ang lahat. Boom!

Ang sarap sigurong umuwi sa bahay galing work kung may sasalubong sa ‘yong ready makipag-sex anytime, ‘no? ‘Yung sex na may lambing at affection ha, hindi ‘yung sex na pang-motmot, ‘yung pantanggal kati lang. Saka siguro mas tolerable ‘yung laging galit na boss kung alam mong at the end of it all, may tao pa ring willing tumuwad for you. Ambastos ko na, grabe lang.

Sana di ‘to mabasa ng mga bata d’yan, ng Generation Z. Please, mag-aral muna kayo. ‘Wag n’yong pansinin ‘tong blog ko. Nag-aadik lang ako ngayon kaya ganito, pero normally talaga mabait ako, tahimik, seryoso at virgin sa buhay. Virgin sa buhay? What does that even mean? Madapaka!

Potek. Scattered all over the place na ‘yung thoughts ko. Eto talaga epekto ng matinding kombinasyon ng stress, ng pagiging single at ng tramadol. Buti na lang at isang araw na lang ipapasok ko sa office. At least bukas may excuse na ‘ko kung ba’t sabaw ‘yung utak ko. Sasabihin ko, naka-weekend mode na ‘yung katawan ko. Sasabihin ko, wala kasing taong may lakas ng loob na sabihing mahal n’ya rin ako. Pareho kaming tanga-tangahan.

Last ko na ‘yan, pramis.