Excuse me, I’m a gamer

by Sankage Steno

I know it’s a bit too late to post this shit, pero WTH, isusulat ko pa rin s’ya because computer games always deserve a spot in my blog. Kung di dahil sa paglalaro ko ng mga role-playing, versus-fighting, FPS, casual at online games, hindi ako magiging ganito karunong. At hindi rin ako magiging ganito ka-adept sa new technology. After all, these games taught me how to use portable gadgets better than instructions and manuals did.

Una pa lang ‘yan sa mga naituro sa ‘kin ng computer games, here are the rest of it.

1. Mythology and Literature

Syempre, the best pa rin ang pagbabasa, pero nu’ng makita kong may buhay, gumagalaw at may “powers” ‘yung mga mythological at literary characters and creatures, mas madali ko silang natandaan at natutunan. The likes of Odin, Gilgamesh, Zeus, Quetzalcoatl, Puck, Shiva, Knights of the Round Table, etc. Karamihan n’yan summon monsters sa Final Fantasy, ‘yung iba hero sa DOTA. Nalaman ko na ‘yung kwento nila, gumana pa ‘yung imagination ko lalo. Which brings me to my next learning…

2. Imagination and Creativity

Hindi lang naman sa pagsusulat nagagamit ‘yung imagination. Kahit sa engineering at sa araw-araw na mundane tasks, malaking tulong ‘yung imagination. And I believe some of the most creative outputs of the human mind can be found in games. Ilang beses na ‘kong na-inspire ng mga nalaro kong computer games, both because of its graphics and its story. Minsan dahil sa gameplay na rin. Naaapektuhan nila kung pa’no ko tignan ‘yung mundo o pa’no ako didiskarte sa school o sa trabaho ko. Speaking of diskarte, that’s next…

3. Strategy and Tactics

Minsan kapag nakikipagsiksikan ako sa MRT o kapag naglalakad ng papel sa mga ahensya ng gobyerno, iniisip kong nasa isang mission lang ako in one of my favorite games, at kailangan kong malampasan ‘yun para mag-level up o para makakuha ng rare item. Pinapahaba rin n’ya ‘yung pasensya ko. Kasi nga, kung di ko paghihirapan at pag-iisipang mabuti, di ako mananalo sa “laro” ng buhay. This takes me to a deeper lesson…

4. Life and Humanity

Ilang beses na ‘kong napaisip nang malalim at nagtanong sa sarili ng mga philosophical questions dahil sa mga characters na nalaro ko sa computer games. Take for example Vivi’s identity crisis sa FFIX or Ramza’s honor-blood dilemma sa Tactics or ‘yung destiny ng mag-best friend na bida sa Suikoden II o ‘yung kalungkutan ni Dias Flac sa Star Ocean or the relativity of good vs evil sa labanan ng Sentinel at Scourge sa DOTA. Kung katulad kitang gamer na ninanamnam ‘yung story ng game, malalaman mong ambibigat ng kwento nila. Speaking of mabigat…

5. Comfort and Survival

Hindi lang ako sa boredom nailigtas ng games. Natulungan din ako nito sa lowest times ng buhay ko. Natutunan kong mahalaga ‘yung Game Over at di s’ya maiiwasan sa real life. Natutunan kong lumaban hanggang sa dulo at sumuko kung kailangan na talaga. Nalaman ko na kahit matalo ako ngayon, tuloy pa rin ang laro. Subok lang ulit. At di man unlimited ang life ko gaya ng mga character sa games (Super Mario and Contra come to mind), natutunan ko namang pahalagahan ‘yung nag-iisa kong buhay.